Advertisers

Advertisers

VIRUS SA SENADO ‘WAG PAMA’RISA’N!

0 521

Advertisers

APAT na taon nang napasukan ng virus ang Senado at patuloy na nagkakalat ng mikrobyo.

Lagi itong talunan noon pero aksidenteng nakinabang ito sa mahika ng hokus-pikos kaya naipanalo ang isang atat na bise at ang corona ngayon sa upper chamber.

Tanggap na sana ng masa ang swerteng kapalaran nito lalo na kung maglilingkod nga siya ng tapat sa sambayanan.



Kaya lang iba ang misyon ng virus na ito na pangmasa ang dating at manalita pero di naman makabayan ang atupag.

Walang ginawa ito kundi manalasang wa-epek at kumontra sa kasalukuyang administrasyon kahit na para sa ikabubuti ng Pilipino ang hangad ng pinuno ng bansa.

Misyon nila ng mga iilang kapanalig na oposisyong di naman pinagpipitagan dahil pakay lang nila ng gulo, ang mapalitan ang pamahalaan na isang suntok sa buwan.

Kung magsalita sa plenaryo, akala niya ay ikinatutuwa ng tao ang kanyang balatkayong walang bahid kung pumuna ng ibang tao lalo na ang may timon sa gobyerno, pero putikan ang pinagdaanan sa pagiging kawatan noong sila ang nanunungkulan.

Akala mo banal na nagdarasal pero ang dalangin ay bumagsak ang nasa pedestal para sila pumalit nina bise atat pati si coup’al na kahit sa panaginip ay hindi daratal.



Dalawang taon pang titiisin at mawawala na ang virus sa Senado unahan silang mag-disappear ng pesteng Covid.

Ang kanyang paglisan ay walang manghihinayang kundi katulad niyang perwisyo lang sa bayan.

Kaya kayong susunod na maging Senador ng bayan…huwag siyang pama’RISA’n!

Lowcut: Isang taos-pusong pakikiramay sa ating butihing kaisport na si PH Dragonboat coach Len Escollante. Pumanaw kahapon ang kanyang pinakamamahal na inang si Gng Basilia Coquia Escollante (90) dahil sa karamdaman.

Ayon sa Unica Ija na si coach Len, nakaburol ang labi ng kaniyang matriyarka sa kanilang balwarte sa Tacloban City. Aniya ay makakasama na ng kanyang ina sa kabilang buhay ang namayapa na ring ama sa pagpapala ng Maykapal.

Condolences mula sa PF TONITE sports, sa Gilas Sports News, mga ka-TOPS at sa sports community.