Advertisers
Gandang umaga po. Dito po sa Pasig, sa barangay kanto ng Acacia yun mga brgy frontliner daw sila pero mga walang face mask, dikit-dikit pa sila. Paki aksyon po sana. Kasi takot ang pulis d2 sa kapitan ng Brgy. Pinagbuhatan. – Concerned citizen
Walang tulak at adik, tahimik ang Brgy. 54 sa Tondo, Manila
Magandang umaga sir. Isa rin po ako sa concerned citizens ng Brgy. 54 ng sona 4 na pinamumunuan si Chairman Nida Macam. Sa totoo lang hindi ko po maintindihan ang nagte-text sa inyo tungkol po sa sinasabing talamak ang bentahan ng droga sa lugar namin. Alas-7 palang po ng gabi ay wala ng tambay sa lugar namin. Cguro po masasabi ko na ang brgy lang namin sa sona 4 ang may pinakatahimik na lugar at maayos. Sa akin pong palagay ay isang drug addict ang nagte-text sa inyo. Napagti-tripan lang po nya si Chairman Nida. Maayos po ang pamamalakad ng aming chairman. Sa katunayan po ang aming lugar lang ang di pinupuntahan ng mga kapulisan sa gabi dahil alam po na tahimik ito. Ngayon nga lang po namin natikman ang mga ayuda ng pamahalaan na ibinibigay para sa tao. Kami po ay di naniniwala sa sinasabi ng taong yan, na ang motibo ay siraan lang ang aming chairman. Sa kanya pong laging sumbong ay hindi nya tinutukoy ang pangalan ng mga tanod at tulak na sinasabi nya. Puro po pangalan ng aming chairman ang kanyang binabanggit na napaghahalata na kay chairman lang galit. Kung sino ka man na walang magawa at nagti -trip lang. Goodluck sayo . Nag-aaksaya ka lang ng oras at panahon sa ginagawa mo dahil walang naniniwala sa yo. Sa iba mo na ibaling yang pagti trip mo, adik!