Advertisers

Advertisers

Francine Garcia ipinagmalaki ang kabaitan ni Direk RS Francisco

0 309

Advertisers

THANKFUL si Francine Garcia dahil bahagi na siya ngayon ng Frontrow family.

Labis ang pasasalamat niya sa Frontrow president na si Direk RS Fancisco sa pagkakataong ibinigay sa kanya na maging endorser nito.

Pahayag ni Francine, “Si Direk RS is a blessing to others, especially noong kasagsagan ng ECQ and GCQ. He keeps on donating sa mga less fortunate na affected ng pandemic and take note, iba pa iyong nasusulat at alam ng mga taong donations niya… sa mga silent donations na ipinagkakaloob niya, even selling his Ferrari, at Jaguar. Kaya, iba talaga si Direk RS.”



Ipinagmalaki niya ang pagiging likas na matulungin ng top honcho ng Frontrow.

“Si Direk RS dapat siyang idolohin at tingalain dahil sa kabutihan niya, lalo na ngayong panahon ng pandemic na marami siyang tinutulungan,” sambit niya.

Esplika pa ni Francine, “Actually, kung mayroon pang mas puwedeng gamitin na term para kay Direk RS, iyon na siya, tito. Hindi lang alam ng mga tao ang magnanimity ng ginagawa niya. And kahit siya sa sarili niya, hindi niya nare-realize yung laki ng tulong ni Direk RS sa mga tao, kasi he does it from his heart.”

Si Francine ay kilalang social media influencer, endorser, aktres, at 2013 Super Sireyna winner ng Eat Bulaga. Sa pelikula naman ay napanaood si Francine sa Quick Change, That Thing Called Tanga Na, Echorsis, at Born Beautiful.

Sa tingin niya, bakit siya kinuhang endorser ni Direk RS?



“Hindi ko po alam kung anong nakita rin nila sa akin, ang alam ko lang po, I am humbled by them choosing me po,” aniya pa,

Kabilang sa ine-endorse ni Francine sa Frontrow ang Luxxe Slim at Luxxe Protect.

Ano ang epekto sa kanya nito?

“Ang Luxxe Protect is more on body protection, like vitamins because it has grapeseed. Samantalang ang While Luxxe Slim is more on slimming benefits with green tea extracts. Luxxe Slim is very good in maintaining my physique tito, it helps my body to convert fats to energy.”

So, hindi lang pangpa-sexy, kundi healthy talaga ang mga product na ito ng Frontrow?

“Exactly!” Masayang bulalas pa ni Francine. (Nonie V. Nicasio)