Piolo hinamon ng netizens, kainin ang ineendorsong sardinas; Willie dinenay na magiging co-host si Maja sa ‘WWW’
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MISMONG si Willie Revillame ay nagulat sa nagkalat na tsika na magiging co-host daw niya si Maja Salvador.
Mga guest co-host ang madalas na nakakasama ni Willie sa show at walang regular.
Kaya nagtataka ang host sa pagkalat ng tsikang makakasama niya si Maja. At wala daw ganun kaya nawindang ang host ng Wowowin.
May sarili itong talent agency na mismong ang kapatid nito ay kanilang talent ng kasosyo nito na bf ni Maja na si Rambo Nuñez.
Hindi pa nga raw maharap ni Maja ang sariling talent center na gusto sana nitong i-manage ang anak ni Aiko Melendrez na si Andre Yllana.
Hindi pa nga raw nakapuwesto si Maja kaya ‘di pa matutukan.
Sa ngayon ay busy ang dalaga sa kanyang vlog na may titulong Meet Maja.
May posted pics naman ito sa kanyang socmed na kasama si Heart Evangelista na mukhang isasalang sa vlog ni Maja.
Pero may mga sitsit na kundi sa GMA-7 ang punta ni Maja eh sa TV5 na tila may mga alok sa dalaga.
***
TILL now ay hindi pa rin makapaniwala ang netizens na ang isang Piolo Pascual ay kumakain ng sardinas.
May ini-endorso kasi na sardinas si Piolo pero ang mga netizen ay ayaw maniwala na kumakain in real life ng sardinas ang aktor.
Dapat daw ay kinakain o kumakain ng sardinas na ini-endorse niya si Piolo. Eh bakit nga raw nakatingin lang ito sa sardinas.
Kaya hinamon si Piolo na kung talaga raw ba na kumakain ito ng sardinas or etsos lang.
Wala raw kasi sa itsura ni Piolo ang tipo ng kakain ng sardinas.
Well, well, well…’Yun na!