Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
HINDI isinasara ni Jerome Ponce na posibleng balikan niya ang ex-gf na si Mika Reyes.
Noong Oktubre kasi ng nakaraang taon, naghiwalay sila ng nasabing volleyball star.
Tahimik lang ang naging breakup nila dahil pinili raw nilang huwag itong pag-usapan sa media.
Katunayan, kahit mutual ang naging paghihiwalay nila, in good terms daw naman sila ng dating dyowa.
“Yung breakup, siguro more sa akin ang problem,” ani Jerome.
Dagdag pa niya, kahit hiwalay na, nagkikita pa rin daw naman sila bagama’t hindi na tulad ng dati, lalo pa’t nasa quarantine ang Kalakhang Maynila.
“Nagkikita pa rin naman kami kahit papaano and sinu-sure ko muna na safe ako, nasa bahay ako ‘tapos quarantine bago kami magkita ulit.”
Hindi na rin niya idinetalye ang eksaktong dahilan ng kanilang naging breakup.
“Basta! Basta po! Basta… mahirap na. Yung mga ganyan, hindi na kailangan palakihin kasi okey na, e,” hirit niya.
Hindi rin niya isinasantabi ang posibilidad na magkabalikan sila ni Mika.
“Yeah, why not? Wala naman problema, okay naman kami. Hindi ko pa naman isinasara yung mga ano ko…,” hirit niya.
“It’s just gusto ko lang muna na mag-focus sa sarili ko at tingnan ko kung ano yung mali sa akin,” dugtong niya.
Si Jerome ay balik-BL series sa Ben X Jim Forever na nasa ikalawang season na. Kabituin niya rito si Teejay Marquez.