Advertisers
NAG-ISYU na ng compassionate use license o CUL ang Food and Drug Administration (FDA) para sa 10,000 doses ng Sinopharm covid-19 vaccine.
Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Harry Roque, ang sampung libong doses na ito ng Sinopharm ay ilalaan para sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).
Paliwanag ni Roque, nagpalabas ng CUL ang FDA upang maturukan na ng bakuna kontra covid-19 ang mga PSG member lalo na’t mandato ng mga ito na tiyakin ang kaligtasan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag pa ng kalihim, kailangan na unahin ang mga ito dahil sa napakahalagang tungkulin na kanilang ginagampanan para sa presidente.
Sinabi ni Roque na Sinopharm vaccine ang ibibigay na bakuna sa mga PSG members dahil sa ngayon aniya ay hindi pa dumarating sa bansa ang mga bakuna na mula sa Covax facility at Sinovac. (Vanz Fernandez)