Advertisers

Advertisers

Ex-Marines huli sa P1.3m shabu

0 260

Advertisers

NAKUHANAN ang isang retiradong miyembro ng Philippine Marines ng mahigit sa P1 milyong shabu sa buy-bust ­operation ng mga tauhan ng Makati City Police sa Barangay West Rembo, Martes ng gabi.
Kinilala ang nadakip na si Rufino Advincula Jr. alyas Yubert, 53 anyos.
Sa ulat, nakabili ng shabu ang poseur-buyer sa halagang P50,00 dakong 6:15 ng gabi.
May kabuuang 200 gramo ng shabu ang nakuha na may street value na mahigit P1.3 milyon.
Sa report, dati nang nahulihan si Advincula ng iligal na droga.(Gaynor Bonilla)