Advertisers

Advertisers

3 mag-uutol nalunod-patay nang tumatawid sa ilog

0 237

Advertisers

NASAWI ang tatlong menor de edad na magkakapatid nang anurin malunod habang tumatawid sa ilog sa Barangay Cansilayan, Valderrama, Antique.
Kinilala ang mga biktima na sina Maricel, 17; Maria, 15; at Ruben Canja, 11, residente ng nasabing lugar.
Ayon kay Police Capt. Narciso Sables, hepe ng Valderrama Municipal Police Station, papauwi na ang magkakapatid nang anurin ng rumaragasang tubig sa ilog.
Nakaligtas naman ang isa pang kapatid ng mga biktima na si Victor, 13.
Hindi kasama ng mga biktima ang kanilang magulang nang mangyari ang insidente.