Advertisers

Advertisers

Kanya-kanyang raket na sila!

0 419

Advertisers

HABANG papalapit ang pagtiklop ng Duterte administration, tumitindi naman ang raket at korapyon ng mga opisyales nito.

Sa lagay ba ay basta lang sila bababa na hindi paldo ang mga bulsa?

Oo! Hindi na bago sa atin ang mga ganitong gawain ng mga co-termino ng Pangulo. Sa huling dalawang taon sa kapangyarihan ng presidente asahan na ang pagnanakaw o pangungulimbat ng kanyang mga opisyal. Hindi sila lalabas ng kanilang tanggapan na walang daang milyones sa kanilang kaha de yero.



‘Yan ang nangyayari ngayon sa Land Transportation Office (LTO). Naglagay sila ng Private Motor Vehicle Inspection System (PMVIS) na walang ibang balidong rason kundi ang memerwisyo, kumita sa mga motorista.

Mabuti lang at umalma ang mga motorista, napilitan ang ating mga Senador pati si Pangulong Duterte na itigil na ang pagpatupad ng PMVIS. Dapat lang!

Sino pa ba sa tingin nyo ang nasa likod ng pagtatayo ng mga pribadong motor vehicles inspection centers? Ang mga bata ni Digong sa DoTr, grupo ng negosyanteng si Sec. Art Tugade!

***

Sinuspinde ni Pangulong Duterte ang pagpapatupad ng Child Car Seat Act.



Umalma kasi ang mga motoristang may maliliit na anak at apo.

Kasi nga naman, paano kung tatlo ang maliliit mo? ‘Di tatlo ring upuan ng mga bata ang ilalagay sa kotse mo, wala nang puwesto sa loob ng sasakyan ang caregiver ng mga bata.

Napaka-gago ng may akda ng batas na ito. Tanga naman ang mga mambabatas na sumuporta noong panukala palang ito. At ano pa ba ang masasabi natin sa Presidente na nag-apruba para maging ganap na batas ito? Tapos ngayon ay biglang sinuspinde dahil sa pag-alma ng mga motorista.

Siguro noong panukala palang ang Child Car Seat Act ay nagpapagawa na ng mga upuan ang manufacturers sa Tsina. Kasi nang mapirmahan ni Pangulong Duterte ang panukala at naging ganap nang batas, biglang nagsulputan ang mga upuan sa Chinese stores. Alam na!

Well, kailangan ng panibagong batas para malusaw ang Child Car Seat Act kundi ay mananatili itong batas… Mismo!

***

Mukhang malabo na magkaroon na ng Covid-19 vaccination ngayong buwan.

Ito’y nang ianunsyo ni Health Secretary Francisco Duque na malabong darating this Feb. 15 ang unang batch ng bakuna.

Pahiya na naman dito si Presidential Spokesman Harry Roque na kamakailan ay nagyabang na “magsisimula na tayo ng Covid vaccination sa Peb. 15” (Lunes).

Ang mas nakalulungkot rito ay nang sinabi ni Duque na sa taon 2023 pa matatapos ang Covid-19 Vaccination Program ng gobyerno. Aray ko! Buhay pa kaya tayo noon?

Mabuti nalang sinabi ni Busy Presidente Leni Robredo na dapat bago mag-2023 ay tapos na ang vaccination program ng pamahalaan.

Well, kailangan lamang na ang sunod na Presidente ng bansa ay talagang seryosong nagtratrabaho, hindi ‘yung puros pangako at pambobola sa taong bayan. Mismo!

Keep safe! God bless us all…