Advertisers
BINALAAN ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang publiko ukol sa bagong modus kung saan nagpapanggap bilang Department of Health (DOH) contact tracers para mangikil ng pera.
Agad pinaalerto ni DILG Secretary Eduardo Año ang local government units (LGUs) at Philippine National Police (PNP) sa mga nasabing scammer sa gitna ng kinakaharap na COVID-19 pandemic.
“Isa pang virus na kailangan pag-ingatan ng mga tao ang mga scammer na ito na sumasabay pa at nakukuhang manamantala ng kapwa ngayong krisis at ito ngang sa DOH ang pinaka-recent. I urge all LGUs and our men and women of the PNP immediately investigate these criminal activities,” pahayag ni Año.
“Hindi na kayo [scammers] naawa sa mga kababayang nating niloloko ninyo,” dagdag pa nito.
Ayon sa kalihim, unti-unting tumataas ang bilang ng mga nabibiktima ng pangingikil at scam.
Sinabi ni Año, ang Contact Tracing Teams ay pinangungunahan ng Local Government Unit at pinangangasiwaan ng DILG.