Advertisers

Advertisers

Aiko at Sec. Roque nakaaaliw ang tsikahan

0 299

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

CHILL at nakatutuwa ang interbyu ni Aiko Melendez kay Presidential Spokesperson na si Harry Roque.

Naganap ito sa recent vlog ni Aiko sa kanyang Aiko Melendez Youtube channel.



Isa sa mga itinanong ni Aiko kay Secretary Roque ay kung tatakbo ba ito sa eleksyon sa susunod na taon, sa 2022.

“I don’t know yet, kasi minsan nagplano ako, but I had a heart attack, I was already running at napakahirap ng circumstance ng pagtakbo ko and I spent so much already kasi nag-ads na ako, and then I had a heart attack and I was devastated.

“That’s when I decided to retire to the mountains, and that’s where I discovered the virtues of just sitting down, staring at the mountain and just not thinking of anything, and just be thankful that there’s fresh air in your face, the sound of the birds singing, view of the mountain, the breeze and the sun,” pahayag ni Secretary Roque na kapag hindi abala bilang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte ay paboritong magbakasyon sa Baguio.

“And ang problema ko nung nagka-heart attack ako, I didn’t know what to do, about four-six months I had depression, until I realized one day, what am I doing here? I still have a mission in this world, I have to go out and achieve it.

“Pero ngayon, that’s the frame of mind that I have, I don’t know what God has in store for me, so ngayon nagdadasal na lang ako and I am a Christian, always has been a Christian since I was a young person.



“Sabi ko, ‘Lord thy will be done’.

“At sa taong bayan naman, alam ninyo po sabihin na nilang lahat, pero kaming mga Kristiyano ultimately, we answer to God, and as a nationalist, I answer to my country.”

Malayo naman sa buhay-gobyerno at pulitika ang sumunod na itinanong ni Aiko at ito ay kung paano inaalagaan ni Secretary Roque ang kanyang balat, kung ano ang skin care routine nito.

“Well, sa totoo lang wala.”

Pinuri ni Aiko ang maganda at makinis na balat ni Secretary Roque.

“Oo, pero sa ngayon may malaki akong pimple, hindi ko alam kung saan galing. Ang ginagawa ko lang talaga is, I get enough sleep, I really don’t stay out in the sun, I work out in the gym, I’m a beach bum, that’s what destroyed my face, but I limit it.

“Pero ngayon, I just wash, basically, I just wash with soap and water with a very mild soap and I try to do that, kasi nga dahil sa press briefing nagme-make-up three times a week, so I have to make sure three times a week at night I wash my face before I go to bed.

“Hindi ko alam kung nanggaling ‘tong napakalaking pimple na ito,” nakatutuwang bulalas pa ni Secretary Roque.

***

TUNGKOL pa rin kay Aiko Melendez, main cast member si Aiko ng Prima Donnas ng GMA at bago ang pinakahihintay na finale ng nabanggit na hit afternoon series, may sayang dulot sa kanilang mga manonood ang cast ng show sa pagsasama-sama ng mga ito sa huling pagkakataon sa isang espesyal na episode na Prima Donnas: Watch From Home bukas, Biyernes, February 12, sa mga official social media accounts ng GMA Network.

Ang mga Prima Donnas stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Elijah Alejo ay magbabalik-tanaw sa kanilang mga karanasan simula nag-umpisa ang show noong August 19, 2019.

Siyempre, kasali rin sa kasiyahan ang mga batikang artistang sina Aiko, Wendell Ramos, James Blanco at Katrina Halili; nagkaroon na ng matibay at magandang pagkakaibigan sa kanilang lahat habang nasa lock-in taping sila ng kanilang serye.

Aalalahanin din ng direktor ng show na si Gina Alajar at ng mga promising young stars ng GMA na sina Vince Crisostomo at Will Ashley ang mga hindi nila makalilimutang journey at mga paboritong karanasan sa Prima Donnas.

Magsisilbing mga host sina Benjie Paras at Eunice Lagusad sa espesyal na episode na ito ng Prima Donnas.