Advertisers

Advertisers

LeBron tres!

0 413

Advertisers

UMAKYAT pa ang shooting percentage ni LeBron James sa tres ngayong taon. Ang career average niya ay 34.6% pero ngayong season ay tumaas ito sa 40.9%. Noong isang taon ay mayroon lamang siyang 34.8%.

Pinakamababa niya noong rookie siya na 29% lamang. Dati niyang record ay noong 2012-13 bilang isang Heat na mayroong 40.6%.

Hindi lang yan. Palayo nang palayo ang range niya sa 3-point shot. May tinatawag pang logo tres dahil nasa icon ng team siya sa halos gitna na ng court.



Bukod diyan number three na siya sa paramihan ng field goal made sa NBA. Nalagpasan na niya si Wilt Chamberlain (12,681) kahapon sa panalo ng Lakers kontra Nuggets. Tatlo lang kailangan niya para madaig ang 7-footer na dati ring Laker. Unang quarter pa lang nagawa ito ni King James. Mukhang kaya pa niya maabutan sina Karl Malone (13,528) na nasa ikalawang puwesto at isa pang LA great na si Kareem Abdul Jabbar (15,837) na nasa una.

Amazing talaga na ginagawa ni LBJ ito sa edad na 36.

Naku may magtampo na naman diyan na tagahanga ni Michael Jordan na nasa pang-lima lang (12,192).

***

Kahapon nakausap ni Pepeng Kirat ang isang naging alkalde ng Maynila. Napunta ang huntahan nila sa pulitika. Heto ang kwento.



“Meyor,sino susuportahan ninyo sa 2022,” tanong ni Pepe.

“ Aba eh di siyempre yung prodigy ko,” sagot ng mama na mahilig sa bulaklaking polo.

Hindi kaagad nagets ni Kirat ang tinutukoy ng tatlong ulit na nahalal na pinuno ng siyudad.

“Sino ba siya Sir,” eka ng nagtatakang si Kirat.

“ Sino pa kundi Manny Pacquiao,” tugon ng beteranong pulitiko.

“ Ay oo nga pala, noon ay may courtesy call at paparada ka pa pag-umuuwi sa bansa ang pambansang kamao pagkatapos ng laban sa Amerika,” mabilis na bawi ni Pepe.

Sa panahon na punong-lungsod ito ay VIP na VIP ang ama ni Jimuel sa city hall. May bonus na cash pa nga na natatanggap ang ngayo’y pangulo na ng kanyang partido

“ Pero paano yan, magkakasama kayo ni Gov. Chavit Singson sa kampo ng anak ni Aling Dionesia sa halalan,” follow-up na question ng joker sa pondahan.

“ Balita ko yung mayora ng Davao ang susuportahan niya, na mas maganda naman para sa image ng asawa ni Jinkee,” sabay tawa ng dating Bayanihan dancer. Siyempre hindi mabango sa tao ang pangalang Sabit este Chavit.

Napa-oo na rin si Pepe. May katwiran daw. Hehe.