Advertisers
Advertisers
Advertisers
NAGBABALA si UP Professor Jay Batongbacal sa pagiging masyadong malambot at tila pagpanig pa ng gobyerno ng Pilipinas sa Chinese Coast Guard sa pangha-harass nito sa mga mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea na baka makapag-isip magkaisa ang ating mga mangingisda na magrali sa WPS para maitaboy ang nambu-bully sa kanila na Chinese military ships sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Tinalakay ito ni Batongbacal, professor ng UP College of Law at direktor ng UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, sa lingguhang National Press Club (NPC) Zoom forum nitong Biyernes ng umaga.
Ayon kay Batongbacal, ang patuloy na pananahimik at tila pagpanig pa ng gobyernong Pilipinas sa Chinese Coast Guard sa tuwing magsusumbong ang mga mangingisdang Pinoy na madalas makaranas ng pangha-harass ng Chinese military ships ay tila isinusuko nito ang pag-aari sa WPS, na posibleng samantalahin din ng China kungsaan nakapatayo na nga ito ng base militar.
Kamakailan lang ay ilan sa mga mangingisdang Pinoy ang hinarang at binantaan ng Chinese Coast Guard nang subukin nitong mangisda sa may sandbar malapit sa Kalayaan island, Palawan na talagang sakop ng Pilipinas.
Ayon sa mangingisdang si Larry Hugo sa panayam ng reporter ng GMA-7 na si Jun Veneracion, dalawang Chinese military ships ang humarang sa kanya para ‘di makapasok sa may sandbar. Tapos sinabihan pa siya ng Philippine forces na huwag nang magsalita.
“Tiyak ko po magagalit na naman sila. Kasi binabawalan nila ako magsalita, ay hindi rin ako makapigil minsan. Nagagalit narin ako minsan sa kanila, na may takot din kahit papaano,” sabi ni Hugo.
Pinasinungalingan naman ngChinese Ambassador sa Pilipinas na si Huang Xilian ang sinabi ni Hugo.
Giit naman ni Hugo, ang kanyang videos ang magpapatunay na totoo ang kanyang mga sinasabi (tungkol sa ginagawa sa kanila ng Chinese Coast Guards) ay bulag ang Chinese Embassy sa katotohanan.
“Bulag sila sa mga picture na pinadala ko saka video. Paki-parating nalang doon sa nagsabi niyan na bulag sila sa katotohanan. Papaanong nagkaroon ng barko at mga ano dyan,” diin ng mangingisda.
Sinabi pa ni Hugo na ang isa sa mga barko niyang nakita ay may numero 5103.
Ang barkong ito, ayon sa report ng Asia Maitime Transparency Initiative, noong Marso 20 ang Chinese Coast Guard vessel 5103 ay isang Shuwu-class na sankot sa standoff sa Scarborough Shoal noong 2012.
Sabi pa ni Hugo, noong Miyerkoles (Pebrero 3), nakita niya ang barko ng Philippine Navy na nagpapatrolya malapit sa Pag-asa Island sa Palawan, kungsaan mayroong 14 Chinese Coast Guard na nagbabantay sa erya.
Pinasinungalingan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command ang sinabing ito ng mangingisda.
“Ang atin pong AFP ay ginagalang po yung karapatan na siya ay ano, ang bawat Filipino ay magpahayag ng freedom of speech,” sabi ni Colonel Stephen Penetrante ng AFP Western Command. “Ginagalang ho yan ng ating mga kasundaluhan. Alam po nila yan.
Dinenay din ng AFP Western Command na pinutol nila ang signal ng cellphone sa Pag-asa Island para hindi makapag-ingay ang mga mangingisda.
Noong nakaraang buwan, inireklamo narin ng alkalde ng Kalayaan ang panggigipit ng Chinese Coast Guards sa kanilang mga mangingisda.
Samantala, sa pahayag ni Batongbacal tungkol sa posibleng pagrali ng mga mangingisda sa WPS, sinabi ni Kabataan Partylist Raoul Manuel, dating UP student regent (2016-2017) at nating NUSP President, na handa silang suportahan ang mga mangingisda sakaling magsagawa ng kilos protesta ang mga ito sa WPS.