Advertisers
Ni JULIET Q. PACOT
SA sobrang sabik sa pag-scuba diving, todo-sisid ang ginawa ni Jennylyn Mercado sa ilalim ng dagat pero ‘di nito sukat akalain na mga basura ang madadaklot.
Ito ang malungkot na ibinalita ng aktres sa ginawang pag-scuba sa Batangas City kasama ang anak kay Patrick Garcia na si Alex Jazz na 12-anyos na.
Nabahiran ng pagkadismaya ang masaya sanang bakasyon nito makaraang makita mismo ng 33-year-old actress sa kanyang pagsisid sa kailaliman ng karagatan na may mga basura pa rin at sa pagkakataong ito ay mayroon pang mga face mask.
Dahil dito, hiniling ng aktres na maging responsable sa kani-kanilang basura ang publiko at kung magtatapon man ng face mask ay putulin ang mga ear loops upang maiwasan ang posibilidad na ma-trap ang anumang sea creatures.
“Please don’t forget to take care of your waste! And if you’re going to throw away face masks, please cut the ear loops so sea creatures won’t get trapped in them,” wika ni Jen.
Hindi kasama ng actress/singer ang dyowang si Dennis Trillo pero enjoy sa bonding nila ng ng anak gayundin sa mga nakilalang scuba diving buddies.