Advertisers
TODAS ang dalawang miyembro terorista na pangunahin suspek sa pambobomba sa Central Mindanao nang manlaban sa mga otoridad sa Rajah Bauayan, Maguindanao, Miyerkules ng umaga.
Kinilala ang mga napatay na sina Rasul Dubpaleg at Bhadz K. Dubpaleg, miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Figther Karialan-Burgos Faction.
Ayon kay PNP Chief, Gen Debold Sinas, nadakip ang dalawa ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar sa Rajah Buayan10:00 ng umaga.
Habang sakay sa isang mobile patrol car patungo sa Maguindanao Police Provincial Office ay tinangka umanong agawing ng mga suspek ang baril ng kanila escort, dahilan upang mabaril ang mga ito.
Sangkot ang mga suspek sa 4 na bombing incidents – 2 sa Isulan, Sultan Kudarat; 1 sa Midsayap, North Cotabato, at Southseas Mall sa Cotabato City. (Mark Obleada)