Advertisers

Advertisers

Mastermind ng multi-billion pesos investment scam, timbog!

0 238

Advertisers

Naaresto ang mastermind sa multi-billion pesos investment scam ng One Dream Global marketing sa Quezon City.
Kinilala ang suspek na si Arnel Gacer.
Ito ang kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Major General Vicente Danao Jr., kasunod ng pagkakaaresto kay Gacer sa operasyon ng pinagsanib na tauhan ng Crime Investigation Section (CIS), Warrant and Subpoena at District Traffic Enforcement Unit ng Quezon City Police District (QCPD).
Si Gacer ang company owner ng One Dream Global Marketing.
Inaresto si Gacer sa bisa ng 14 na warrant of arrest kabilang ang kasong syndicated estafa na inilabas ni Judge Santiago Arenas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 217.
Pasado 11:00 ng gabi ng Miyerkules, Pebrero 3, 2021 isinagawa ang pagdakip kay Gacer sa loob ng isang restaurant sa Panay Avenue kanto ng Timog Avenue sa lungsod Quezon.
Nauna ng sinampahan ng kasong syndicated estafa si Dacer sa Department of Justice noong Hulyo 2015 dahil sa P3.5Bilyon investment scam matapos ang mga inihaing reklamo ng mga imbestor dahil sa hindi na pagre-remit ng ipinangakong kita sa pamamagitan ng kumpanyang One Global company.
Narekober ng pulisya mula sa posesyon ni Dacer ang isang shotgun, 2 baril at cash na nagkakahalaga ng P500,000.(Ernie Dela Cruz)