Advertisers
Ni BKC
UMAAPAW ang saya ng Kapuso couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa sa pagdating ng kanilang firstborn baby na si Corky noong Linggo, Enero 31.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Mark ang saya at pasasalamat, “Thank you, Lord, dahil healthy ang bibiboy namin. Simula na ng mga sleepless nights pero worth it naman kasi ang tagal naming hinintay si Corky.”
Dagdag pa niya, bubusugin nila ni Nicole ng pagmamahal ang anak, “At dahil andito ka na ngayon, gagawin namin ni mammeeh lahat para sa’yo! Mahal na mahal ka namin Corky to infinity and beyond.”
Bumuhos ang suporta at well wishes sa comments section ng Kapuso performer. Kabilang sa mga bumati sina Mark Bautista, Shaira Diaz, Boobay, Gabby Eigenmann, at marami pang iba na malalapit nilang kaibigan sa industriya. Congratulations, Mark and Nicole!
***
Alden Richards, excited na sa virtual set ng ‘Centerstage’
BILIB ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa dedikasyon ng GMA Network para makapagbigay ng world-class entertainment sa kanilang loyal viewers.
Ikinuwento ni Alden kung paano sinigurado ng Network ang nalalapit na pagbabalik ng talent show for kids na ‘Centerstage.’
“There’s always a way despite what’s happening. GMA will always adjust for the Kapuso, the Filipino viewers, for them to be able to continue watching certain shows that they love to watch. Doon ako napa-proud to be Kapuso.”
Dagdag pa niya, dapat abangan ng manonood ang kanilang makabagong virtual set, “Now that we’re back, we couldn’t be any happier kasi this is a breakthrough again in Philippine television, to be able to do a TV show virtually, for the safety of the contestants since we’re catering to kids. Kung gaano po kami ka-excited, I’m sure magiging excited din po ‘yung mga tao. It’s going to be the first dito po sa Centerstage.”
Ngayong Linggo na, Pebrero 7, magpapatuloy ang paghahanap sa Bida Kid sa ‘Centerstage,’ pagtapos ng ‘Daig Kayo Ng Lola Ko.’