Advertisers

Advertisers

Dra. Belo nanakawan ng P2-M designer bag; ‘Aswang’ napiling opisyal na kalahok sa Oscars

0 290

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

ANG dokumentaryong “Aswang” ang napiling opisyal na pambato ng bansa sa 93rd Academy awards sa documentary feature category.

Ang pelikulang ito ay naglalarawan sa kalunos-lunos na biktima na ‘war on drugs’ ng administrasyong Duterte.



Ang nasabing obra ni Alyx Arumpac ay nanalo ng White Goose Award sa 12th DMZ International Documentary Film Festival, ang pinakamalaking documentary film festival sa buong Asya na ginanap sa Goyang, Gyeonggi Province, Korea noong Setyembre, 2020.

Nagkaroon din ito ng world premiere sa 2019 International Documentary Film Festival Amsterdam (IDFA), na nagwagi ito ng prestihiyosong FIPRESCI Award.

Pinarangalan din ito sa International Feature Competition Grand Prizes sa Montreal International Documentary Festival (RIDM), Film Festival Dokumenter Jogja, Prix du Film Professionel sa Festival Traces de Vies, Grand Prix Compétition Nouveaux Talents sa Corsica Doc, Amnesty International Award sa Thessaloniki Documentary Film Festival, at Beyond the Screen Competition award sa DocAviv Film Festival.

Ito rin ang tinanghal na Best Picture sa 2020 Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards (FAMAS), ang kauna-unahang dokumentaryo na nanalo ng nabanggit na award sa kasaysayan nito sa loob ng animnapu’t walong taon.

***



KILALANG collector ng mamahaling designer bags ang doctor to the stars na si Vicki Belo.

Sa kanyang Youtube vlog, ipinakita niya ang koleksyon niya ng  mga designer bag sa kanyang walk-in closet.

Sa kanyang recollection, sinabi niya na minsan ay nawalan siya ng kanyang paboritong Hermes Birkin Bag na nagkakahalaga ng $41,828 or humigit-kumulang na P2 milyong piso.

Hindi naman niya idinetalye kung paano nawala ang nasabing limited edition ng bag.

Sey pa niya, iniyakan daw talaga niya ang pagkawala ng favorite bag.

Bukod kasi sa investment niya ito, may sentimental value rin ito sa kanya.