Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
ISANG mapagmahal ngunit terror na biyenan ang gagampanan ng veteran actress na si Nova Villa bilang Mema Eps sa upcoming GMA primetime series na “Owe My Love.”
Si Mema Eps ang groovy lola ni Sensen (Lovi Poe). Minsan malambing, minsan naman daw ay mema-sabi lang sa mga ganap ng kanyang pamilya si Mema Eps, lalo na pagdating sa pera.
Ang “Owe My Love” ay kuwento ni Sensen Guipit na palaging gipit sa pera at ni Doc Migs Alcancia (Benjamin Alves) na doktor na ng medisina, doktor pa ng bulsa!
Nang dahil sa pandemic ay magku-krus ang landas ng dalawa at magiging sandalan ni Sensen si Doc Migs pagdating sa utang at sa pag-ibig.
Ano kaya ang say ni Mema Eps sa relationship nila? Abangan si Nova at iba pang artistang magpapasaya ng gabi natin sa “Owe My Love,” ngayong February 15 na sa GMA Telebabad!
***
SINUBAYBAYAN at pinag-usapan online ang star-studded first anniversary celebration ng ‘All-Out Sundays’ nitong nakaraang Linggo.
Talaga namang hindi natitinag at lalo pang gumaganda ang performances sa musical musical-comedy-variety program ng Kapuso Network na All-Out Sundays.
Nito ngang Linggo ay extra special ang mga performance ng AyOS barkada at nagsama-sama pa ang ilan sa brightest Kapuso stars sa pagdiriwang ng first anniversary ng programa.
Labis naman itong ikinatuwa ng viewers ng All-Out Sundays na game na game na nakipag-Twitter party habang umeere ang anniversary special. Hindi tuloy kataka-taka na pasok sa trending topic ang #AOSNumber1 nitong Linggo.
Komento ng isang netizen, “Grabe naman #AOS nagrequest lang naman ako ng Sing and Dance prod pero bakit malaconcert binigay nyo. Ayeh proud Kapuso here. Happy Anniversary #AOSnumber1”
“The camera angle, effects, lighting, stage, the performance and the energy is really lit! Wow @AllOutSundays7 #AOSnumber1,” dagdag pa ng isang netizen.
Patuloy na subaybayan ang All-Out Sundays tuwing Linggo ng tanghali sa GMA-7.
***
KUNG kailan may mga panalo na sa mga basketball tournament ang Quezon City Defenders ay tsaka pa nagkaroon ng coronavirus pandemic, kaya inihinto muna ang mga basketball games sa halos lahat ng lugar.
Isa sa mga apektado ng ganitong sitwasyon ay si Diego Gutierrez na solong anak na lalaki nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher Gutierrez.
Basketball player si Diego ng koponan ng Quezon City Defenders na pag-aari ni Lotlot at mister nitong si Fadi El-soury.
Kaya blessing naman na maituturing na kung nahinto muna ang basketball career ni Diego, papaalagwa naman siya bilang isang singer/recording artist.
Busy si Diego sa pinakauna niyang single na sinulat niya (at ni Wilde Quimson), ang On A Dream.
“Sa ngayon po, since walang basketball dahil sa pandemic, dahil lockdown, nakaka-focus ako sa music nang husto. Pero eventually pag mas umokay na yung situation natin, sana, sana ma-balance ko pa rin kahit papaano.
“Pero I guess I have to focus more on this now kasi binigyan ako ng magandang opportunity, may lalabas ako na kanta, so I really have to make sure to work hard on this and focus on this,” pahayag pa ni Diego.
Kasama niyang nag-compose ng kanta ang matagal na niyang kaibigan na isa ring music producer na si Wilde Quimson; produced naman ito ni Mark Feist ng Hitmakers Entertainment.
Samantala, ang music video ng On A Dream ay directed and edited ni Melvin Dave Jordan.
“Kasama rin dito sa song si Mr. Eric Walls. He’s been a guitarist before nina Beyonce, Janet Jackson, Michael Jackson. So, sobrang honored ako na kasama siya sa kantang ito na first release ko,” bulalas pa ni Diego.
Ire-release ang single ni Diego sa Spotify, Apple Music, Amazon, Deezer at Tidal simula sa Febuary 5 at maaaring i-stream via : https://foundation-media.ffm.to/onadream.
Parehong Kapamilya na sina Diego at Janine Gutierrez; kailan lamang ay may grand welcome kay Janine sa ASAP Natin ‘To bilang isang bagong Kapamilya.
“Super-happy na magkasama na kami now sa ASAP, parang never pa kaming nagsasama sa kahit anong project except sa mga game shows lang namin before.”
“Pero iyon nga, lagi na kaming magsasama sa ASAP, puwede ko na siyang guluhin dun, kukulitin ko na siya dun lagi,” at tumawa ang guwapong binata.
“So ayun, super-happy to spend even more time with her there.
“Exciting po.”
Magiging regular host na rin kasi si Janine sa ASAP Natin’To at si Diego naman ay regular performer sa naturang Sunday musical variety show.