Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MALAMANG last quarter na makagawa ng teleserye si Bea Alonzo. Sa pagkakaroon ng problema sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN2 ay naapektuhan din nito sa paggawa ng mga teleserye ang naturang network.
Marami-rami ring Kapamilya talents ang naglipatan na ng ibang istasyon.
Si Bea naman ay pinakikita ang pagtanaw ng malaking utang na loob sa Kapamilya Network sa pamamagitan ng pananahimik sa isyu at hindi pagpirma ng kontrata sa ibang TV Network sa ngayon.
Kaya marami sa followers niya ang nagtatanong kung paano pa nila mapapanood si Bea?
Ayon sa aktres ay nakatuon ang kanyang atensyon ngayon sa paggawa ng pelikula. Sa katunayan ay may tatlong pelikula nang nakahilerang gawin si Bea. Una na rito ang pagbabalik-tambalan nila ni John Lloyd Cruz, susundan ng movie nila ni Alden Richards na may working title na “Moment To Remember” at ang ikatlo ay isang movie na ang magdidirehe ay isa sa mga idol niyang direktor, si Erik Matti.
May nang-intrigang basher naman kay Bea na nagkomento na kaya raw hindi na muna magteteleserye si Bea ngayong taon ay dahil ninanamnam pa raw niya ang secret married life. Hindi na rin naman bago ang mga ganitong isyu kay Bea.
Andyan pa nga na nabuntis daw siya at kinasal nang lihim sa boypren ngayon.
“No, hindi pa ako kasal. Guys, hindi. Wish ko lang pero hindi pa. Sana in the near future,” say ni Bea.
***
SA mahigit na 50 taon sa showbizworld ng nag-iisang Superstar ng bansa na si Nora Aunor ay nagampanan na niya lahat ng mapanghamong roles sa pelikula man o telebisyon pero ang maging isang kontrabida sa movie ay never pa raw niyang nagawa.
Ang tanging kontrabida role na nagawa ni La Aunor ay nangyari sa sarili niyang drama anthology way back.
Kaya nang ialok sa kanya ang pelikulang “Kontrabida” sa direksyon ni Adolfo Alix Jr. and produced by Joed Serrano’s Godfather Productions ay hindi na raw nagdalawang-isip pa si Ate Guy na tanggapin ito at masayang-masaya pa niya itong ino-ohan.
Isang malaking hamon kasi para kay Ate Guy ang naturang pelikula. Sa katayuan niya ngayon sa industriya talagang magiging malaking challenge sa tulad niyang iniidolo ng masang Pinoy.
Kung paano siya kamumuhian ng mga ito at kaaasaran sa kanyang role. At dahil bago ang kanyang character nasabi ni Ate Guy na pag-aaralan niya nang husto ang kanyang role at gayun na rin sa malaking tiwala sa kanyang direktor sa mga ipagagawa.
Inamin din ni Ate Guy nang i-offer sa kanya ang kontrabida role ay pumasok sa isip niya ang yumaong magaling na charactrer actress na si Bella Flores.
Labis ding humanga si Ate Guy kay Bella dahil sa kabila ng maraming inis sa kanya sa kanyang mga role ay marami rin ang nagmamahal kay Bella behind camera. Sa totoong buhay kasi ay mabait, friendly at may kababaang loob ang beteranang actress.