Advertisers

Advertisers

Derek at Andrea sanib-pwersa sa negosyo sa panahon ng pandemya

0 304

Advertisers

MAY reunion vlog ang Kapuso couple na sina Derek Ramsay at Andrea Torres matapos maantala ang kanilang pagkikita dahil sa quarantine.

Sa vlog ay ipinasilip ng dalawa ang behind-the-scenes footage para sa launch ng kanilang bagong business. Ang produkto na kanilang joint venture ay hi-tech masks equipped with fans na ayon sa kanila ay mas breathable kumpara sa normal masks.



Naisipan daw nila ni Derek na magbenta ng bagay na higit na kailangan ng lahat sa panahon ngayon, “This is actually our first time to shoot since the entire quarantine period so we’re kinda excited. Inisip namin, ano ba pwede nating gawing business na you can earn from but at the same time nakakatulong tayo.”

***

NGAYONG Sabado (August 8), muling mapapanood sa ‘Magpakailanman’ ang kuwento ng mag-ina na magkaribal sa iisang lalaki.

Bata pa lang si Lucila nang makilala ng nanay niyang si Salve ang magiging pangalawang asawa nito, si Manuel.

Pero nang mag-dalaga na si Lucila, may namuong pagtitinginan sa pagitan nila ng stepfather. Paano haharapin ng pamilya nila ang hamon na ito?



Abangan sina Amy Austria, Pauline Mendoza, at Neil Ryan Sese sa kakaibang istorya ng “Ako o Anak Ko?,” ngayong Sabado, August 8, 8:00 pm sa #MPK.

***

SA Wish Ko Lang! unang mapapanuod si Luis Hontiveros bilang isang Kapuso after niyang pumirma ng kontrata with GMA Artist Center. Humbled daw si Luis na isang programang tulad ng Wish ang unang project niya.

Makakasama ni Luis sa fresh episode ng show ni Vicky Morales ang homegrown Kapuso actress na si Katrina Halili.

Noong una’y akala raw niya ay mai-intimidate siya kay Katrina. “At first, I thought I would be intimidated pero na-realize ko after ko s’ya maka-eksena na napakagaan n’ya katrabaho at very professional.”

Ngayon ngang ganap na siyang Kapuso, looking forward si Luis na mas marami pa siyang magawa na project sa GMA.

“Ang wish ko ay mabigyan ako ng chance to be able to work with the other veteran actors, directors and to play more challenging roles,” say ng aktor.

Makakasama nina Katrina at Luis ngayong Sabado sa bagong Wish Ko Lang! episode sina Kim Rodriguez at Elijah Alejo. (Rommel Gonzales)