Advertisers

Advertisers

TASK FORCE VS KORAP SA PHILHEALTH!

Pinabuo ni Duterte sa DoJ

0 308

Advertisers

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Justice (DOJ) na bumuo ng Task Force upang maimbestigahan ang mga anomalya sa PhilHealth.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang task force ay pamumunuan ng DOJ kasama ang Office of Ombudsman, Commission on Audit (COA), Civil Service Commission (CSC), Office of the Special Assistant to the President, Office of the Executive Secretary at Presidential Anti-Corruption Commission Act (PACC).
Saad pa ni Roque, bibigyan ng kapangyarihan ang task force na mag-isyu ng preventive suspensions sa mga mapatunayang sangkot sa katiwalian sa naturang ahensiya ng gobyerno.
Nilinaw ni Roque na bagama’t umuusad ang imbestigasyon ng Kongreso sa naturang isyu wala naman itong kapangyarihan mangsuspinde ng mga opisyal.
Dagdag pa ni Roque, na ibinatid ng Pangulo na kahit wala pang resulta sa ikinakasang imbestigasyon ay puwede umanong magkaroon ng preventive suspension ang sinumang opisyal nito para mapangalagaan ang kaban ng PhilHealth. (Vanz Fernnadez/Josephine Patricio)