Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
SA mga baguhang producer ngayon ay si Joed Serrano na yata ang pinaka-generous sa kanyang mga artista sa una niyang pelikula na “Anak Ng Macho Dancer.”
Yes, bukod sa may share sa kikitain ng pelikula ang bawat isa sa mga baguhang actor na gumaganap na macho dancer sa movie na obra ni Direk Joel Lamangan na pinangungunahan ng bida na si Sean de Guzman ay maraming plano si Joed sa ipinagmamalaking project na napanood na without cuts sa Ktx.ph kahapon, January 30.
Gusto ni Joed na kapag maayos na ang sitwasyon ay maipalabas din ito sa mga sinehan at abroad at isali sa international film festival. Pwede kasi trailer pa lang ng Anak Ng Macho Dancer ay dekalidad ang pagkakagawa nito at hindi lang basta naghubad si Sean kundi ipinakita nito na may ibubuga siya sa pag-arte.
Also sina Charles Nathan, Ricky Gumera, Miko Pasamonte, David Lucas at Mhack Morales ay mga nagpakitang gilas din sa pelikula at lahat sila ay puring-puri ni Lamangan.
Saka parte ng cast sina Allan Paule at Jaclyn Jose na mga artista ng original Macho Dancer nuong 1988 na dinirek ni late Lino Brocka tapos sinamahan pa ng tulad nina Rosanna Roces at Emilio Garcia na mga dekalibre ring umarte.
Sabi nga ni Sean, mas maraming twist ang Anak Ng Macho Dancer na hindi lang ‘yung paghuhubad nila ang laman kundi marami raw drama na eksena nangyayari sa tunay na buhay. Syempre wala na raw makatatalo sa naunang Macho Dancer pero kumpiyansa silang lahat na dahil sa maganda ang kanilang proyekto ay panonoorin ito. Very thankful pala si Sean sa kanilang producer na si Joed na dahil sa break na ibinigay sa kanya pelikula ay nagbukas ito ng mga oportunidad sa kanyang career, kung saan kinontrata na siya kamakailan ng Viva Artists Agency.
Bravo to Joed na hindi lang may eye sa concert scene kundi sa paglikha ng makabuluhang pelikula rin. Maraming naka-line up na projects ang GodFather Productions ni Joed.
***
Bash And Mary’s Peanut Tella Ng Lady Executive Na Si Tina Imperio, Paborito Ni Claire dela Fuente At Iba Pang Celebrity
MATAGAL na naming kakilala ang isa sa mga top executive ng financing company na Esquire na si Ma’am Tina Imperio at si Ms. Claire dela Fuente ang nag-introduce sa akin kay Tina at dito nag-start ang aming friendship.
Masaya kami at bukod sa kanyang magandang job ay pinasok na rin ni Ma’am Tina ang pagnenegosyo ng peanut butter na Bash and Mary’s Peanut Tella na ilang months ay agad na dinumog ng buyers at syempre isa na sa suki ni Tina ay si Claire at favorite ito ng daughter ng singer-businesswoman na si Rhianna.
Ang edge ng peanut butter ng aming friendship (Tina) ay pure peanuts ito kaya masarap ding gawing dessert. Nang ipatikim nga ito sa amin in just one day ay ubos agad ang dalawang bote ng Bash and Mary’s Peanut Tella at pinag-agawan ito ng aking kids at 3-year-old na apo.
Samantala, narito ang post ni Ma’am Tina sa kanilang website page na nag-iinvite sa mga gustong maging reseller ng kanyang business.
“New Year, New Hope, New Beginnings. 2020 was definitely rough but we pulled trough together.
“Our brand’s mission is to give spark of hope to those in need. So this 2021, we will continue spreading smooth and creamy
goodness to every household and help those in need to earn a living in the comfort of their own homes.”
“Be one of our resellers and be a part of our growing Bash and Mary’s Peanut Tella Pure Peanut Butter family, making memorable to #peanuttellastories one bottle at a time.”