Advertisers

Advertisers

Lalaki nagnakaw ng pinto para mapakain ang buntis na Misis

0 349

Advertisers

INARESTO ang isang lalaking nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 lockdown matapos siyang maaktuhang nagnanakaw ng pinto para maipagbili ito para sa pagkain ng kanyang buntis na misis sa Pasay City, Huwebes ng gabi.
Sa report, nakasandal ang kahoy na pinto sa labas ng isang printing shop at pagawaan ng motorcycle barrier nang tangayin ito ng 31-anyos na si alyas Jay sa West Service Road, Barangay 201.
Ayon sa ulat, isasakay na ng suspek ang pinto sa motorsiklong minamaneho ng isa pang lalaki nang mapansin sila ng mga manggagawa.
Tumakas ang rider ng motor, habang dinala sa presinto si Jay.
Iginiit ni Jay na inakala niyang hindi na ginagamit ang pinto kaya niya ito kinuha. Ibebenta niya sana ang pinto sa halagang P200 para mabilhan ng pagkain ang kaniyang buntis na misis.
Nawalan siya ng trabaho bilang construction worker dahil sa pandemya. Uuwi sana siya sa Bicol sa ilalim ng nahintong ‘Balik Probinsya’ program.
Itinanggi rin ni Jay na sangkot siya sa mga naunang insidente ng nakawan ng bisikleta sa lugar simula nang magpatupad ng lockdown para mapigil ang pagkalat ng COVID-19.
Hiniling ni Jay na iurong ang reklamong theft laban sa kaniya, pero pag-iisipan pa ito ng may-ari ng tindahan na nais umano siyang maturuan ng leksyon.(PTF team)