Advertisers

Advertisers

Pangontra COVID: 2 Lalaki nagnakaw ng energy drink

0 277

Advertisers

HULI ang dalawang lalaki nang magnakaw ng dalawang case ng Cobra Energy drink na ginawa umano nilang pangontra sa COVID-19 sa isang tindahan, kamakalawa ng madaling araw sa Malate, Maynila.
Kinilala ang mga suspek na sina Ronald Delos Santos, 20, miyembro ng Sputnik gang; at Roan Iligan, 36, miyembro ng Bahala na Gang at kapwa taga 1941 Maria Orosa St., Malate, Manila.
Sa ulat, natukoy ang dalawang suspek sa nakakabit na CCTV sa barangay nang magreklamo ang biktimang si Romei Dela Torre, 45, residente ng 1600 Morning Star, J. Bocobo P. Gil St., Malate, Maynila.
Ayon sa report, naganap ang insidente 2:52 ng madaling-araw at nadiskubre na lang ni Dela Torre na nawawala ang dalawang case ng COBRA energy drink nang magising siya 7:00 ng umaga.
Kaagad na nagreklamo si Dela Torre sa barangay at nakita sa CCTV ang ginawang pagkuha at pagdadala sa 2 case ng energy drink ng mga suspek sa kanilang bahay.
Narekober ng mga barangay tanod ang isang kahon ng energy drink sa mga nahuling suspek. (Andi Garcia)