Advertisers
ARESTADO ang dalawang drug addict na magka-jamming, na aminadong kapwa sila nakatanggap ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan, matapos madakip sa buy bust operation ng mga otoridad sa Barangay Tabang, Plaridel, Bulacan.
Kinilala ni Police Maj.Wendel Ariñas ang mga nadakip na sina Jonathan Galvez, 34, ng Brgy, Sto. Niño; at Benjamin Bonus, 49, ng Villa Christina, Brgy. Agnaya sa nabangit na bayan.
Sa ulat, 4:00 ng hapon nang madakip ang dalawang adik.
Nakuha kina Galvez at Bonus ang 30 maliliit na plastic sachet ng shabu at form ng SAP. (Thony D. Arcenal)