Advertisers
BINARIL ng isang pulis ang dalawang babae na nakagitgitan nito sa kalsada sa sa General Santos City.
Kinilala ang naarestong pulis na si SSgt. Marvin Roy Cloma ng Traffic Management Unit. At ang mga biktima ay sina Mary Grace Causon at Camelo Quizon Lebria, kapwa residente ng naturang lungsod.
Sa report, ang pulisya na ang magiging complainant laban kay SSgt. Cloma.
Ayon kay Capt. Brent Salazar, hepe ng San Isidro Police Station, 36 oras na-custody si SSgt. Cloma bago nila ito pinakawalan dahil hindi naman nagreklamo ang mga biktima.
Sa ulat, kapwa sugatan ang dalawang babae nang dalhin sa pagamutan, matapos basrilin ni Cloma habang papalayo sakay ng kanyang motorsiklo.
Ayon kay Salazar, pananagutan si Cloma sa paggamit ng service firearms gayong off duty at hindi ito naka-uniporme.
Sa report, dalawang beses nagpaputok ng baril ang pulis, base sa mga nakitang basyo.
Ayon sa pulisya, Frustrated Homicide ang ikakaso kung desisido ang mga biktima na kasuhan si Cloma sa pamamagitan ng regular filling.(PTF team)