Advertisers
NAKATUTUWANG mabalitaan na itinalaga ng Malakanyang noong Lunes si Justice Jhosep Y. Lopez bilang ika-190th Associate Justice ng Supreme Court at dahil diyan ay nakumpleto na ang 15-member roster ng pinamakataas na korte sa buong bansa.
Bago niyan, si Justice Lopez a nagsilbi bilang Associate Justice ng Court of Appeals sa loob ng halos siyan na taon at naging Senior Member din ng Fifth Division.
Siya ay nagtapos bilang cum laude na may Political Science degree sa University of the Philippines (UP) Diliman, kung saan nag-araw din siya ng abogasya habang nagta-trabaho bilang research assistant sa UP Institute of Judicial Administration.
Naipasa niya ang Bar examinations noong 1989 at nakakuha ng average na 84.55%. Mula doon ay nagtrabaho siya sa UP legal counsel ng isang taon bago na-promote bilang chief legal officer ng UP Manila-Philippine General Hospital (PGH).
Nung 1991, nagtrabaho siya bilang chief legal counsel ng Senate sa ilalim noon ni Senate President Jovito Salonga. Matapos ang isang taon, pumalaot siya sa pulitika at naging Councilor sa 3rd District of Manila. Naging chief legal consultant din siya ng noon ay Vice-Mayor Lito Atienza mula 1992-1998.
Matapos niyan, taong 1998 din ay naging chief legal consultant naman siya ni Health Secretary Felipe Estrella hanggang itinalaga siya ni Agriculture Secretary Edgardo Angara bilang unang agriculture attaché ng bansa sa Beijing, China.
Mula 2001 hanggang 2006, si Justice Lopez ay naging konsehal ulit ng Maynila hanggang maitalag siya bilang City Prosecutor of Manila noong 2006. Bilang prosecutor sa loob ng mahigit anim na taon, nagpasok siya ng mahahalagang reporma gaya ng ‘computerized system of monitoring cases’.
Si Justice Lopez ay naging partner sa Lopez Rasul Maliwanag Baybay Palaran Law Offices mula 1993 hanggang 2006. Educator din siya sa mga law schools gaya ng UP College of Law, New Era University College of Law at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila College of Law.
Siya ay ipinanganak February 8, 1963 sa Umingan, Pangasinan at nakatakdang mag-retiro sa kanyang ika-70 kaarawan sa taong 2033.
Kay Justice Lopez, na aming kilala bilang si ‘JoLo,’ ang aming taos-pusong pagbati sa isang ‘well-deserved appointment.’
Maging si Mayor Isko Moreno na gaya ni JoLo ay miyembro din noon sa konseho ng Maynila ay talaga namang ‘proud’ at natutuwa sa layo ng narating nito sa kanyang karera bilang abogado.
Mabait, matalino, mapagkumbaba at mapagkawanggawa si JoLo batay sa aking pagkakakilala sa kanya at alam ko na sa kanyang mga katangiang ito, kasama na ang pagiging ma-prinsipyo at matalino ay malaki ang maiaambag niya sa Korte Suprema at kalidad ng mga taong bumubuo nito.
Congratulations Justice JoLo!!!
***
Samantala, nakikiramay tayo sa mga naiwan ni Fred Tan, dating executive officer ng Philippine Airlines na pumanaw dahil sa matagal nang karamdaman. Ang kanyang labi ay nasa Christ the King Memorial Chapel hanggang Biyernes.
Condolence sa pamilya ni Fred Tan , napakabait na tao yan at sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.