Advertisers

Advertisers

Kotse inararo ang mga rider: Mag-asawa patay

0 389

Advertisers

NASAWI ang mag-asawang rider nang araruhin ng isang kotse sa kahabaan ng España Boulevard sa Maynila noong Linggo.
Kinilala ang mag-asawa na sina Emilson at Anna Paguio.
Sugatan naman ang isang pang rider na si Gerry Barangay.
Sa kuha ng CCTV, makikitang mabagal ang takbo ng mga sasakyan kasama ang bulto ng motor nang tumawid ang isang kotse mula sa ikatlong lane.
Inararo nito ang iba pang motor na nasa unahan patungo sa kanang lane.
Dead on the spot si Anna, habang dead on arrival sa ospital si Emilson.
Ayon sa tserman ng Barangay 521 na si Santiago Calizo, animo’y nakatulog ang driver ng kotse dahil bigla itong bumilis nang makitang nakabangga ng nasa unahang motor.
Sinabi pa ni Calizo na umiiyak at nakaluhod ang drayber ng kotse matapos ang insidente sa pagkabigla.
Papunta sana ang grupo ng mag-asawa sa Antipolo nang mangyari ang insidente.
Naulila ng mag-asawa ang anim nilang anak.
Payak ang pamumuhay ng pamilya Paguio kungsaan watch repair specialist si Emilson habang housewife si Anna.
Bagama’t payak ang pamumuhay, lahad ng anak nito na nagsagawa pa ng outreach program ang kanyang ama upang makatulong sa mga apektado ng pandemya.
Sumailalim na sa inquest proceedings ang driver ng kotse. (Jocelyn Domenden)