Advertisers

Advertisers

Presyo ng baboy sobrang taas: Rabbit meat alternatibong karne sa Pampanga

0 276

Advertisers

ISANG pamilya sa San Fernando, Pampanga ang nag-convert ng kanilang babuyan sa isang rabbit farm bunsod ng pagtaas ng presyo ng baboy.
Kung ano-ano nang diskarte ang ginagawa ni Anne Mendoza ng Guagua, Pampanga para mapagkasya ang kaniyang budget sa pamamalengke.
Problema kasi niya ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin partikular ng baboy na pumapalo na ng halos P400 ang kilo.
“Unstable sobrang mahal po, doble lalo na nung nag-holiday po, sobra talagang mahal… no choice po, kasi kung everyday manok, baka lumipad na kami,” aniya.
Ang sinasabing dahilan ay ang kakulangan ng supply ng baboy bunsod ng African swine fever (ASF) at ng pananamantala ng ibang traders, ayon sa Department of Agriculture.
“Ang mga traders na ang nagdidikta ng farmgate price, nag-uunahan sila at ito na ‘yong sila ‘yong nagmamanipula at talagang sobra na ‘yong profit nila,” ani DA Sec. William Dar.
Kaya ang iba, ibang karne ang sinusubukan, tulad ng rabbit meat na halos kapresyo lang ng baboy ngayon pero lamang sa health benefits.
Ayon sa website na livestrong.com, ang rabbit meat ay walang taba, malasa at puno ng protina.
Nauna nang sinabi ng DA na nakikita nilang posibleng alternatibo ito sakaling magkaroon ng shortage sa suplay ng baboy.
Ang pamilya Tuazon ng Brgy. Sta. Lucia sa San Fernando City, Pampanga ay gnawa naring rabbit hub ang kanilang bakuran na dating babuyan.
“Madami nang pumupunta dito. May pumupunta na from Ilocos, from the northern area, Tarlac, Bulacan, Nueva Ecija, Bataan, Metro Manila, Paranaque. ‘Yan pumupunta narin dito, nagtatanong kung meron kasi dun sa area nila wala na din, wala na silang ma-produce,” ani Kevin Dizon Tuazon, nag-aalaga ng rabbit.
Hinihikayat niya ang marami na subukan narin ang rabbit farming dahil bukod sa madali lang silang alagaan, mga kulungan at damo lang kailangan, at mabilis pa ang return of investment. Tulad nila na wala pang isang taon sa negosyong ito.
Hindi lang pang-negosyo, swak din umano iluto sa iba’t ibang putahe ang mga kuneho.
Sa ngayon, kulang parin ang suplay ng rabbit meat sa merkado kaya nananatiling P380-400 per kilo ang bentahan nito. Pero oras na mas dumami na ang mga nag-aalaga ng rabbit, mas gaganda umano ang presyo pati ang mga makukuhang benepisyo sa pagkain nito.