Advertisers

Advertisers

Dalagita 4 beses ginahasa ng amang ex-CAFGU

0 255

Advertisers

DINAKIP ang dating miyembro ng CAFGU na No. 4 most wanted person sa Zamboanga del Norte dahil sa kasong 3 counts of rape at sexual assault sa ikinasang ‘One Time Big Time’ operation ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) sa Mindanao.
Ayon kay PNP AKG Director BGen. Jonnel Estomo, nagsagawa ng surveillance at manhunt operations ang mga operatiba ng PNP – AKG Mindanao Field Unit sa pamumuno ni Lt Col. Clarence Gomeyac laban sa suspek sa Purok Mars, Barangay Venus, Sergio Osmena, Zamboanga del Norte.
Kasama sa operasyon ng mga tauhan ng AKG ang mga operatiba ng Sergio Osmena Municipal Police Station at 1st Zamboanga del Norte Police Manuever Force Company laban sa suspek na si Rochel Enanyog.
Nabatid na 4 beses hinalay ng suspek ang anak nito na 14-anyos noong March 8, 24 at 29, 2020 at sinundan ito noong August 8, 2020 sa kanila mismong bahay sa Barangay Tuburan.
Walang piyansa na inirekumenda ang korte laban sa suspek sa kasong rape.
Bukod sa kasong rape, nahaharap din sa kasong sexual assault ang suspek.
Ayon kay PNP AKG Spokesperson Maj. Rannie Lumactod, nagtago sa batas ang suspek nang i-report ang ginawa nitong panghahalay sa sariling anak.
Kasalukuyang nakakulong sa Sergio Osmenisa Municipal Police Station si Enanyog.