Advertisers

Advertisers

Banat ni Digong sa korapsyon masarap pakinggan, mahirap paniwalaan…

0 250

Advertisers

BUMANAT na naman si Pangulong Rody “Digong” Duterte laban sa korapsyon sa kanyang lingguhang public address Lunes ng gabi.

Oo! Masarap pakinggan ang mga tirada ni Digong laban sa mga korap at sa mga kritiko ng administrasyon, talagang makikiliti ang masa, papalakpakan siya.

Pero sa mga matandain at nag-iisip, mahirap nang paniwalaan ang mga banat ngayon ni Pangulo laban sa katiwalian.



Kasi nga simula nang maupo siyang pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 2016, wala manlang siyang napakulong na korap sa kabila na kaliwa’t kanang mga isyu ng korapsyon laban sa mga opisyal na nakapaligd sa kanya.

Bagkus ay ipinagtatanggol pa niya ang mga ito at pilit na nililinis sa katiwalian.

Remember ex-Customs Commissioner at BuCor Director Nicanor Faeldon na nasangkot sa drug smuggling sa Customs at pagpalaya sa ilang drug lords sa Bilibid?; isa pang ex-Customs Comm. Isidro Lapeña na “nalusutan” ng P11-billion worth of shabu sa loob ng iron lifter?; ex-Justice Sec. Vitaliano Aguirre na nasangkot sa P50 million kikil ng kanyang mga “bata” sa Immigration, at “pastillas” sa NAIA; ex-Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo na lumustay ng daan-daang milyong pondo ng Tourism, pati ang isa pang Tourism official na si Cezar Montano?; mga opisyal ng PhilHealth na nagsabwatan sa pagkawala ng P15-billion pondo ng state-insurer; at mga opisyal ng SSS at PCSO na walang patumanggang lumustay sa daan-daang milyong pondo ng mga nabanggit na ahensiya?

Ilan lamang ito sa mga opisyal ng Duterte administration na inakusahan ng katiwalian pero patuloy na namamayagpag at ang iba’y nalipat lang ng puwesto.

Kung totoo si Pangulong Digong sa kanyang mga sinasabi, dili sana’y nasa kulungan na ang mga buwayang ito. Right?



Sa kanyang banat nitong Lunes ng gabi, hinamon niya ang sinumang nagsabi na may korapsyon sa pagbili ng gobyerno sa bakuna kontra Covid-19. “Nanggugulo” lang daw ito.

Hinamon pa niyang lumabas ang taong ito at mag-usap sila ng “one on one”. Siya pa raw ang pupunta sa bahay nito.

Eh sino namang gago ang maniniwala na haharap si-yang mag-isa at sasadyain pa niya sa bahay ‘yung tao e hindi nga siya makalakad ng walang alalay dahil para na siyang lasing kung maglakad?

Actually, kilala naman ni Pangulong Digong kung sino-sino ang mga nagsabing may attempt ng korapsyon sa pagbili ng bakuna. Ito’y sina Senador Ping Lacson, Sen. Frank Drilon, Sen, Risa Hontiveros, Sen. Liela de Lima at Sen. Kiko Pangilinan.

Sabi nga nina Lacson at Pangilinan, kung hindi sila nag-hearing sa Senado ang P3,629 na presyo ng Sinovac ay hindi magiging P600 plus nalang. See!!!

May tirada pa si Pangulong Digong na ang umiikot at naniningil gamit ang kanyang pangalan ay saksakin nalang, ‘wag barilin dahil maingay, may makakarinig at makakasuhan lang. Araguy!!!

Ang mga pangungusap na ito ng Pangulong Digong ay talagang masarap sa pandinig ng masa, pero sa mga nakakaintindi, mahirap ito paniwalaan at talagang hindi kapani-paniwala. Dahil kilala na natin si Digong na puros drawing nalang, parang 3 to 6 months lang niyang pramis na pagsugpo sa iligal na droga. Mismo!