Advertisers
ARESTADO ang 22-anyos na computer technician nang mahulihan ng nasa 1 kilo ng marijuana sa Tondo, Maynila, Lunes ng gabi.
Sa ulat ng Manila Police District, nagsagawa ng buy-bust operation ang drug enforcement unit ng Jose Abad Santos Police Station sa target na si alyas “Lance” malapit sa tinitirhan nito sa Perfecto street.
Ayon sa report, bumili ang poseur buyer kay Lance ng 2 sachet ng marijuana sa halagang P200.
Pero pagkahuli, nakuha pa sa posisyon nito ang nakarolyong mga dahon ng marijuana sa plastic na binalutan ng tape na nasa 800 gramo hanggang 1 kilo ang timbang. Tinatayang nasa P125,000 ang halaga nito.
Nasa kustodiya ng MPD Station 7 ang suspek at nahaharap sa kasong drug selling at possession .(Jocelyn Domenden)