Advertisers
ISANG bangkay ng lalaki na may nakapulupot na electrical wire at nylon cord sa leeg nito ang itapon sa Paco, Maynila.
Ayon sa ulat, may nakasabit na karton na may nakasulat na “Wag tularan basag kotse at hold-upper ako, susunod na kayo!!!” sa katawan ng biktima, at tadtad ito ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
Sa kuha ng CCTV sa kalapit barangay, makikita ang isang kulay puting Mitsubishi L300 na walang plaka ang nakaparada sa Quirino Ave., cor., Leon Guinto St., Brgy., 692, Paco pasado 3:00 ng madaling araw nitong Martes.
Bumaba sa sasakyan ang isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket at asul na shorts saka inilaglag ang biktima saka pinagbabaril bago tuluyang tumakas.
Inaalam pa ng pulisya ang pagkakilanlan ng biktima na edad 35-40, may taas na 5’7”, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng pulang t-shirt at puting denim short pants. (Jocelyn Domenden)