Advertisers
LAGUNA – Pinagbabaril hanggang sa mapatay sa loob ng kanilang ang isang traffic enforcer at kanyang misis, at binitbit ang anak nitong lalaki sa Barangay Malaban, Binan City dito sa lalawigan.
Sa inisyal na ulat ni Police Lt. Col. Giovanni Martinez, hepe ng pulisya, nakilala ang mga biktima na sina Jose Garry Domingo Sr., traffic enforcer ng Binan City; at misis nitong si Loida; habang ang anak nilang panganay na si Domingo Jr. ay kinidnap ng mga salarin.
Sa imbestigasyon ng pulisya, 9:00 ng gabi nitong Lunes naganap ang insidente habang naghahanda nang matulog ang pamilya. Puwersahan umanong pumasok ang mga armadong lalaki at pinadapa at pinagbabaril ang mag-asawa. Hindi naman ginalaw ang ilang anak nito maliban kay Domingo Jr. na dinala ng mga salarin.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.
Samantala, inambus at napatay ng tatlong lalaki ang tumatayong administrator ng Areza Compound sa Bgy. Canlalay, Binan City 1:50 Lunes ng hapon.
Ang biktima ay nakilalang si Nelson Areza, 49, na nagtamo ng ilang tama ng bala sa kanyang ulo at katawan.
Ang mga salarin ay mabilis na tumakas sakay ng dalawang motorsiklo.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pananambang. (DICK GARAY)