Advertisers

Advertisers

Bong Go: Saliva test sa COVID-19 bubuhay sa turismo

0 222

Advertisers

IKINAGALAK ni Senator Christopher “Bong” Go ang desisyon ng government laboratory experts panel na payagan ang mas mura, mabilis at ligtas na saliva tests sa COVID-19 bilang alternatibo sa real-time reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test.

Ang rekomendasyon ng panel ay isinumite na kay Department of Health Secretary Francisco Duque III.

“Matagal na po nating inirekomenda sa DOH na pag-aralan ang saliva testing bilang alternatibo sa kasalukuyang swab test na ginagamit natin. Kaya naman po natutuwa tayo na, sa wakas, aprubado na ang paggamit nito sa bansa,” ani Go.



“Malaking ginhawa po ito sa ating mga kababayan dahil hindi lamang po ito mas mura, accurate din po ito at mas ligtas,” dagdag niya.

Naniniwala si Sen. Go na malaking tulong ang saliva-based testing upang masimulan at muling mapalakas ang tourism industry na pinalugmok ng pandemya.

Nagsasagawa na ang Philippine Red Cross (PRC) ng pilot study para idetermina ang accuracy ng tests na gamit ang saliva specimens.

Sa inisyal na resulta, ang pagsusuri ay lumalabas na accurate.

Pinayagan ng DOH ang paunang roll-out ng paggamit ng saliva test pero sa ilang PRC molecular laboratories pa lamang, partikular molecular laboratories nito sa Mandaluyong at Port Area, Manila.



Sa Pebrero, inaasahan ng PRC na ang 13 molecular laboratories ay may kakayahan nang magsagawa ng COVID-19 saliva testing.

Sinabi ng laboratory experts panel na tanging PRC laboratories pa lamang ang nagsasagawa ng saliva test dahil ang validation test result ng Research Institute for Tropical Medicine ay nakabimbin pa.

Ang saliva test ay sinasabing nagkakahalagang P1,500 hanggang P2,000, mas mura sa RT-PCR test na nagkakahalagang P3,800 hanggang P5,000.

Bukod sa mura, mas mabilis at less invasive ang saliva test. Sa pag-aaral ng PRC, natuklasan na ang saliva test ay 98.11% accurate.

Sinabi naman ng Food and Drug Administration na ang COVID-19 saliva test ay mas ligtas kumpara sa swab test dahil ang pagkuha ng sample ay “self-collected” ay hindi kailangan ng direct contact sa health professional.

“Dapat po natin tutukan ito at panatilihing abot-kaya ang testing sa bansa. Crucial ito sa ating hangarin na ma-test, ma-trace, at mabigyan ng tamang treatment ang mga kaso ng COVID-19,” ayon kay Sen. Go.

“Huwag muna tayo magkumpyansa, lalo na pagdating sa kalusugan ng mga kabataan. Responsibilidad nating proteksyunan sila. Sa lahat ng desisyon natin, isaalang-alang natin palagi ang buhay at kapakanan ng bawat Pilipino,” anang pa ng mambabatas. (PFT Team)