Advertisers

Advertisers

Ex-NPA cadre patay sa engkwentro

0 284

Advertisers

PATAY ang isang dating miyembro ng New Peoples Army (NPA) na naging ‘gun-for-hire’ nang makipagbarilan sa mga tauhan ng PNP-Anti Kidnapping Group sa Negros Occidental.
Ayon kay PNP-AKG Director, BGen. Jonnel Estomo, isisilbi sana ng mga operatiba ang ‘Warrant of Arrest’ laban kay Emmanuel Dequilla Sampani na nahaharap sa kasong murder sa RTC Branch 79, Region 4A Judicial Region sa Morong, Rizal nang umalma ito sa arresting officers.
Sinabi ni Estomo na nakatanggap sila ng intelligence information hinggil sa presensiya ni Sampani sa Barangay Dulao, Bago City, Negros Occidental kaya agad sila nagkasa ng operasyon.
Naramdaman ni Sampani ang presensiya ng mga pulis kaya agad ito umalis sa kaniyang bahay sakay ng motorsiklo at nagtago sa mga puno at pinaputukan ang mga otoridad, dahilan para mag retaliate ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay nito.
Napag-alaman na dating NPA cadre si Sampani sa ilalim ng grupo ni Narciso Antaso Arabic Command na nag-o-operate sa probinsiya ng Rizal pero inilipat sa Quezon Province Command kungsaan nagkaroon ito ng kaso dahil sa sexual harrasment sa isang “Ka Venus” dahilan para patawan siya ng parusa ng CPP/NPA Command, tinanggal siya sa kilusan.
Bumalik si Sampani sa Negros Occidental at nakipagsabwatan sa criminal gangs sa probinsiya na sangkot sa gun for hire, land grabbing at gun running. (Mark Obleada)