Advertisers

Advertisers

Pulis inakyat ang bundok para maghatid ng learning module

0 257

Advertisers

HINDI alintana ni Police Staff Sergeant Vincent Aaron Gomayat ang pagod madala lang ang mga module sa mga estudyante sa bayan ng Sadanga, Mountain Province.
Kamakailan, naging trending sa social media ang kaniyang retrato na naghahatid ng learning modules sa eskwelahan.
Kuwento ni Gomayat, hindi kasi makadaan ang sasakyan at motor sa bundok kaya kinailangan itong lakarin.
Mahigit isang oras nilang nilakad ang bundok.
“Iyong napicture-an po sa Buluang iyon. Bale iyon po ang considered na pinaka-malayong barangay dito. Not road accessible po siya. Bale dadaanin iyon ng isang oras at higit pa kasi pataas iyon,” ang sabi ni Gomayat.
Dagdag niya, hindi maiiwasang mapagod pero iniisip nalang niya na para sa mga bata ang kanilang ginagawa.
Naranasan din daw kasi nito ang hirap ng pagiging estudyante sa kanilang lugar.
“Ang iniisip lang namin ang kapakanan ng mag-aaral. Para kahit papaano, hindi maistorbo ang kanilang pag-aaral. Nang sa gayon po ang kanilang mga dreams ay makamit naman nila,” aniya.
Paalala ni Gomayat sa mga estudyante na mag-aral ng mabuti.
Tubong Mountain Province din si Gomayat at 20 taon nang nasa serbisyo bilang pulis.