Advertisers
ISANG estudyante sa Madlang, Aklan ang nahimatay sa pagod habang umaakyat sa bundok para makahanap ng signal ng internet.
Kuwento ni Genevie Gregorio, sinamahan niyang umakyat sa bundok ang pamangkin niya para makasagap ng signal at makapag-schedule ng scholarship exam sa Aklan State University. Halos isang oras na raw silang umaaakyat nang mahimatay sa pagod ang pamangkin. Bumalik naman ang malay niya matapos makapagpahinga, at patuloy nilang inakyat ang bahagi ng bundok para makasagap ng signal.
“Gusto niyang tulungan ang pamilya niya. Sobrang hirap kasi ng buhay dito sa amin, malayo sa bayan. Pagbubukid at pag-a-abaca lang ang hanapbuhayng parents niya rito para makapag-aral sila,” bahagi ni Genevie.