Advertisers

Advertisers

Ano ba talaga Mane?

0 293

Advertisers

MARAMING mga opinion-maker ang nagsasabi na tatakbo si Manny Pacquiao bilang pangulo sa 2022.

Pati siya mismo hindi na pinabubulaanan ang umuugong na balita. Basta kanilang sagot sa mga nagtatanong ay destiny ang pagiging presidente at mahirap planuhin. Ipagdadasal daw ito ng boksingerong pulitiko.

Noon nang nagsalita si Freddie Roach na kakandi-dato ang tubong-GenSan ay matindi ang tanggi ng kanyang grupo.



Kumikilos na rin ang mga strategist at mga propagandist ng asawa ni Jinkee. Una ginawa siyang pangulo ng PDP-Laban bilang kahalili ni Sen. Koko Pimentel. Oo kahit ikalima na niya itong partido sa kanyang political career. Naging kasapi na siya ng LP-Atienza Wing na wala na ngayon, KAMPI na karamihan nasa NUP na, NP at UNA.

May mga na-produce na silang video na uploaded sa You Tube at shared naman sa Facebook. Ipinalalabas na alam niya mga isyu at problema ng bansa. Sa naturang mga vtr ay kinukwento niya rin ang kanyang kahirapan dati na sanhi naman ng kanyang pagkakaunawa ng mga damdamin ng mahihirap.

Kahit walang kasiguruhan ay pinalulutang din ng mga tao niya ang mga makalaban niya sa ibabaw ng ring ngayong taon.

May ilan na rin kolumnista na nagsulat na pabor silang makipagsapalaran si MP sa halalan para sa pinakamataas na posisyon sa isang taon. Kesyo kailangan daw isang galing sa ibaba ng lipunan ang mamuno sa atin. Hindi raw yan magnanakaw sa kaban ng bayan kasi mayaman na. Nais lang daw ng anak ni Aling Dionesia na makatulong sa mga kapos-palad at sa ating bansa.

Siyempre hindi na nila babanggitin na siya na yata pinakamaraming absence sa Kongreso at Senado. Wala rin sila mailista na mahahalagang batas na siya ang main author o principal sponsor. Natural wala rin sila maipalabas na video na nakikipagdebate ang ama ni Jimwell sa mga kasamahan sa Mababa at Mataas na Kapulungan. Nilamon siya ng mga kasamahan sa maraming pagkakataon.



Ibig lang nila mag-appeal sa emosyon ng tao. Heto ang isang lider na kauri ninyo na nagtagumpay at umangat sa buhay.

Nagrepresenta sa Pilipinas at pinasikat tayong mga Pilipino. Yan ang dinidiin nila.

Oo may pera siya ngunit mauubos ito sa kampanya kung walang ibang magsusuporta sa kanya.

Sa tingin ni Pepeng Kirat ay mahihirapan ang utol ni Roel at Bobby dahil taga-Mindanao rin ang malamang na mga manok ng administrasyon. Parehong taga-Davao si mayora na walang H at ang caregiver ni PiDuts.

Baka raw sa dulo ay pumayag magslide down bilang VP. Pero kanino? Hindi maaari sa mga katownmate ni PRRD dahil nga iisa bailwick nila.

Ang hula ni Pepe ay kay BBM na papangakuan siya na sagot lahat ang gastos. North -South pa ang kombinasyon. Ngunit magagalit sa kanya mga anti-Marcos na pwersa at hindi siya iboboto. Tingnan natin kung ano mas importante sa kanya.

Kwarta o paninindigan?

***

Nanatiling malinis ang kartada ng Lakers sa road games. Kahapon pinadapa nila ang Bucks sa score na 113-106 kaya bale 8-0 na sila sa mga homecourt ng katunggali. 4-4 naman sila sa Staples Center. Ano kaya dahilan na mas mapalad sila sa biyahe?