Advertisers
SA National Press Club (NPC) weekly Zoom forum nitong Biyernes ng umaga, naging panauhin namin ang mga beteranong mambabatas na sina Edcel Lagman at Lito Atienza at magiting na alkalde ng Valenzuela City na si Rex Gatchalian.
Isa sa maiinit na isyu na aming tinalakay ay ang abrogation o pagpawalang-bisa sa kasunduan sa pagitan ng University of the Philippines (UP) at Department of National Defense (DND).
Ang 1989 UP-DND agreement na nagbabawal sa pulisya at militar na basta lamang papasok sa unibersidad ay pinutol ni DND Secrerary Delfin Lorenzana few days ago sa rason na ginagawa raw recruitment ground ng komunistang New People’s Army (NPA) ang state university.
Pagkaputol sa naturang kasunduan ay kaagad naglabas-pasok ang military trucks sa UP campuses, bagay na inalmahan ng mga estudyante at ng mga nagpapatakbo ng numerong state university sa bansa.
Sabi nina Cong. Lagman at Cong. Atienza, hindi sila pabor sa ginawa ni Sec. Lorenzana.
Ayon kay Lagman, gumawa na siya ng resolution para maimbitahan sa Kamara “in aids of legislation” si Sec. Lorenzana at ang pangulo ng UP para makagawa ng panukaka o makapagpanday sila ng batas sa pagitan ng militar, pulisya at universities.
Balido rin ang rason ni Atienza kung bakit tutol siya sa basta nalang pagputol sa 32 years nang kasunduan sa pagitan ng UP at DND. Aniya, kung may matibay na ebidensiya ang DND na may mga taong nanghihikayat sa mga estudyante para maging NPA, bakit hindi nila ito hulihin, kasuhan at ikulong? Tama!!!
Ang pagkakaroon ng mga sundalo sa school campus ay magdudulot lamang ng pangamba sa mga estudyante. Posible pang magkakaroon dito ng mga pang-aabuso. Kaya hindi talaga akma na payagan na tumambay sa school campuses ang mga miembro ng AFP at PNP na naka-full battle gears. Mismo!
Sa usapin ng Charter Change (ChaCha), hindi sang-ayon si Lagman na baguhin pa ang Saligang Batas lalo sa mga sandaling patapos na ang termino ng mga politiko.
Kung babaguhin ang Saligang Batas, ayon kay Lagman, ay dapat pag-aralan ito ng mahabang panahon, hindi iyong ilang buwan nalang ay eleksyon na. Obviously, ani Lagman, term extension ang target rito ng mga nagsusulong ng ChaCha.
Ang isa naman sa mga rason ni Atienza kaya gusto niyang amyendahan ang Saligang Batas ay ang payagan ang mga dayuhan na magmay-ari ng mga lupain at negosyo sa bansa. Ito, aniya, ay makapagpapayabong sa ating ekonomiya at makapagbibigay pa ng maraming trabaho sa mga Pinoy. Hmmm…
Tungkol naman sa parating na halalan, mas gusto anila ang manual kesa Smartmatic na laging kaduda-duda ang resulta ng eleksyon. Mismo!
Sa isyung pagbuwag sa partylist sa Kamara, siempre kontra rito si Atienza. Kinatawan siya ng Buhay Partylist eh. Hehehe…
Sa Valenzuela City naman, sinabi ni Mayor Gatchalian na naayos na ang problema niya sa RFID na nagdudulot ng grabeng trapik sa kanyang Lungsod. Tungkol naman sa problema niya sa PLDT at Converge, nangako na raw sa kanya ang mga may-ari nito na ayusin ang kanilang serbisyo.
Tungkol sa usaping bakuna kontra Covid-19, naghahanda na aniya sila sa gagawing mass vaccination sa kanyang mga mamamayan. Posible sa Hulyo darating ang inangkat nilang bakuna, AstraZeneca. Mas mura aniya ito kesa lahat ng vaccines at mataas din ang efficacy rate. Nakahanda, aniya, siyang maunang magpaturok para magkaroon ng kumpiyansa ang kanyang mga residente. Ayos!