Advertisers

Advertisers

Lakers pinahiya ang Bucks

0 203

Advertisers

UMISKOR si LeBron James ng season-high 34 points upang tulungan ang Los Angeles Lakers na mapanateling undefeated on the road ngayon season sa iskor na 113-106 wagi laban sa Milwaukee Bucks kahapon sa Milwaukee.
Dinugtungan ng Lakers ang kanilang franchise —best road start sa 8-0.
Los Angeles’ Kentavious Caldwell-Pope kumana ng season-high na seven three-pointers sa 10 attempts at nagtapos ng 23 points,habang si Anthony Davis bumakas ng 18 points at nine rebounds. James tumikada ng 6-for-10 mula sa 3-point range at nagdagdag ng eight assists para sa Lakers sa opener ng seven-game road trip.
Montrezl Harrell nagdagdag ng 12 points off the bench para sa Los Angeles, na pumukol ng 19 of 37 percent) mula sa 3 point distance.
Giannis Antetokoumpo umiskor ng 25 points at 12 rebounds, Jrue Holiday bumakas ng 22 points at seven assists at Khris Middleton nag-ambag ng 20 para sa ikalawang kabiguan ng Milwaukee.
Nagtala si Antetokoumpo ng career-high nine turnovers.