Advertisers

Advertisers

Hindi katapusan

0 591

Advertisers

TOTOONG hindi katapusan ng mundo kahit hindi tumakbo si Bise Presidente Leni Robredo sa halalang pampanguluhan sa 2022. Nandiyan sina Franklin Drilon, Kiko Pangilinan, at Sonny Trillanes. Nandiyan sina Ma. Lourdes Sereno, Chel Diokno, at Bam Aquino. Kuwalipikado na pumalit kay Leni ang sinuman sa kanila.

Itinuturing na pinakamalakas na kandidato sa hanay ng oposisyon si Leni Robredo. Ngunit isa sa katangian ng Bise Presidente ang kawalan ng puso sa digmaan. Hindi siya mandirigma. Hindi siya palaban tulad ng ibang lider oposisyon. Hanggang maaari, umiiwas siya sa digmaan. Kahit alam niya na digmaan ang pulitika.

Tinawag ito na “contact sports” ni Barack Obama noong 2008. Parang basketball, o boksing, o wrestling. Maaaring contact sports sa Estado Unidos ang pulitika. Ngunit malaking hindi sa isang hindi maunlad na bansa na tulad ng Filipinas. Digmaan ang pulitika, ito ang lumalaglab na katotohanan. Matinding labanan ang pulitika. Ubusin ng lahi, sa maikli. Kaya kailangan sa mga lumalahok sa pulitika ang mentalidad ng isang mandirigma.



Alam ni Rodrigo Duterte na hindi na malakas ang mga koalisyon ng grupong pulitikal sa 2022. Hindi ito maihahalintulad sa koalisyon ng mga puwersang pulitikal na nagdala sa kanya sa rurok ng tagumpay noong 2016. Tinulungan siya ng PDP-Laban, Nacionalista Party, National Unity Party, at maging ang mga pamilya Marcos at GMA. Tumulong ang grupong kaliwa sa kanya. Wala na ang ganyang grupo sa 2022. Kanya-kanya na.

Umalis na ang PDP-Laban na nagpasyang isabak si Manny Pacquiao sa 2022. Hindi malaman kung isasabak ng Nacionalista Party si BBM, o sinuman sa mga Villar. Paano na ang National Unity Party? Ilalaban ba nila si Dick Gordon? Mayroon pang ibang nagbabaka sakali sa ibang puwersang pulitikal.

Bagaman hindi pa ganap na nagkakaisa ang puwersang demokratiko, malinaw naman sa kanila na dapat silang lumahok sa 2022. Kahit hindi si Leni ang ilaban, mayroon silang pagpipilian. Hindi na makakaporma o makakapagpanggap si Grace Poe. Isinuka si Grace Poe.

Nariyan sa kanilang hanay ang mga liberal democrats, o lib dems, na naniniwala sa halalan, at katuturan ng demokrasya, Saligang Batas, pangingibabaw ng batas at karapatang pantao. Kahit lumiit ang bilang at namatay ang mga kasapi, buo pa rin ang mga social democrats o socdems na naniniwala sa “himagsikan sa puso.” Nandiyan ang national democrats, o nat-dems, na nanalig sa pahayag ng National Democratic Front tungkol sa pagkakaroon ng isang coalition government.

Ayaw ni Duterte na magkaisa ang mga lib-dems at nat-dems sa susunod na halalan. Alam niya na malaki ang inihina ng kanyang puwersa. Nalusaw na ang kanyang koalisyon. Hindi na sasama sa kanya ang mga nat-dems dahil nabisto siya na wala palang nalalaman.



Pinaniniwalaan na pinipigil ni Duterte ang anuman pagkakaisa sa pagitan ng mga lib-dems at nat-dems. Kinkatawan ng mga lib-dems ang Liberal Party, Magdalo, Akbayan, at iba pang maliit ng grupo. Tinatayang mayroon silang lakas upang kunin agad ang 20 porsiyento ng populasyon sa ilalim ng kanilang impluwensiya.

***

ISA si Sonny Trillanes sa mga maimpluwensiyang tao sa oposisyon. Siya ngayon ang itinutulak ng maraming netizen na maging kandidato ng oposisyon kung sakaling tuluyang umurong si Leni at tumakbo bilang gobernador ng kanyang lalawigan – Camarines Sur.

Sa mga internal survey na isinagawa ng iba’t ibang puwersang dermokratiko sa koalisyon, nanguna si Trillanes. Ipinaliwanag ng mga respondent, o mga taong tinanong sa survey, na pinakabata si Trillanes at “buo ang loob.” Tanging si Sonny Trillanes ang may puso at tapang na bumangga kay Duterte kahit sa kasagsagan ng kanyang poder.

Isa ang suliranin kay Trillanes – hindi siya lantay na Liberal. Dahil sundalo, pinangatawanan ang pagiging kasapi ng Magdalo. Hindi niya iniwan ang mga kasamang sundalo kahit na umangat siya at naging mambabatas. Gusto ng iba sina Frank Drilon at Kiko Pangilinan, ngunit hindi silang kasing sigasig ni Trillanes sa pagtataguyod ng mga simulain.

***

HINDI nagbitaw ng anumang salita si Duterte ng lusubin ng mga maka-kanang elemento ang Capitol Hill sa Estados Unidos noong ika-6 ng Enero. Mas lalong hindi nagbitaw ng salita ng manumpa ang tambalang Joe Biden at Kamala Harris noong Miyerkoles. Minabuti niyang itikom ang kanyang bibig.

Lubhang abala si Biden sa pandemya sa Esrados Unidos. Kumitil na kasi ang buhay ng mahigit 400,000 sa nakalipas na sampung buwan. Pinabayaan ni Donald Trump ang pandemya at naiwan sa balikat ni Biden ang napakalaking trabaho. Pinangatawanan ni Biden ang pamamahagi ng $1.9 trilyon na tulong sa mga apektadong sektor sa Amerika.

Kapag nakahinga-hinga ng maluwag si Biden sa malaking trabaho, maaasahan na haharapin niya si Duterte. Malamang na sampulan ang palalo at batugan na lider umano. Gagantihan siya dahil sa patuloy na pagkakakulong ni Leila de Lima. Maraming puedeng gawin sa kanya si Biden. Tanging ang pagsang-ayon lamang ni Biden ang kailangan.

Walang kakampi si Duterte kapag nagkagipitan. Tanging China lamang. Ngnut maari siyang bitawan ni Xi jin Ping anuman oras. Wala siyang silbi para sa China. Alam na Peking na pansamantala lamang ang itutulong i Duterte. Alam ng Peking na mabaho na si Duterte sa bansang ito. Makapili ang tingin sa kanya.

***

QUOTE UNQUOTE: “Democracy is fragile. Democracy is precious… Democracy has won over.” – Joe Biden, U.S. president

“The production of fake news is premised on malice, or evil intent. Their producers want to mislead people, particularly the gullible ones. Beware of fake news. They come from the camp of the sick old man. It is state sponsored.” – PL, netizen

“HEARD IT LOUD AND CLEAR: Activism is no terrorism. Tell it to Delfin Lorenzana et. al.” – Mga netizen
“With or without the agreement we will protect academic freedom in the university. We will fight for it no matter what happens,” Ferdinand Manegdeg, dean of the UP’s College of Engineering