Advertisers
NAGLAHO as in hinde na nakita pa sa CITY HALL mula noong magkaroon ng pandemya na dulot ng COVID-19 si NAVOTAS CITY MAYOR TOBY TIANGCO.
Ito ang naging akusasyon ni dating BRGY. CHAIRMAN ESTILITO BAUTISTA na simula noong March 22, 2020 ay hindi na raw nakitang pumasok pa sa CITY HALL si MAYOR TIANGCO para gampanan nito ang kaniyang panunungkulan bilang punong ehikutibo sa kanilang lungsod.
Bunsod nito ay pormal na naghain ng kaso sa OMBUDSMAN itong si BAUTISTA ng neglect of duty, corruption at paglabag sa Local Government Code laban kay MAYOR TIANGCO.
Ang mga kasong pinuntusan ni BAUTISTA na nilabag umano ni MAYOR TIANGCO ay ang Republic Act no. 3019, RA no. 6713, RA no. 7160 at sa mga sumusunod na willfull non-feasance o ang neglect of duty; oppresive implementation of local ordinances in line with COVID-19 related measures; coercion of Navoteños to delete facebook posts that air valid concerns and grievances; at ang undue damage to the government.
Inilahad ni BAUTISTA ang mga post ni TIANGCO sa social media na naging basehan gayundin ang mga personal account ng NAVOTEÑOS na nakalap ng una bilang dating BRGY. CHAIRMAN MEMBER ng ASSOCIATION OF BRGY. CHAIRMEN.
“In the total time that the City of Navotas has been in community quarantine since March 12, 2020, up until now, Mayor Tiangco has not reported for work inside the City Hall. How can he responsibly perform his duties if he has not reported for work since then? More importantly, how can he be allowed to receive salaries for the time that he has never reported for work inside the City Hall?,” pagpupunto ni BAUTISTA sa kaniyang inihaing kaso.
Bukod dito, ang mga reklamo ng less fortunate constituents na ipinost aa facebook hinggil sa hinde makatuwirang implementasyon ng quarantine pass, facemask/faceshield.., na umano’y on the spot na pagmumulta at posibleng ibinubulsa na lamang ng enforcers.
“Mayor Tiangco’s physical absence in the performance of his duty is also the root cause for the willful refusal of the local enforcement personnel and the Philippine National Police (PNP) Navotas refusing to honor national government directives during the community quarantine,” saad ni BAUTISTA.
Inakusahan din nito ang kanilang CITY MAYOR na hinde nito sinusunod ang direktiba na inisyu ng DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY patungkol sa ONLINE SELLERS.
“The DTI has issued advisories and rulings that the DTI passes are sufficient for merchants and other essential personnel, and yet Mayor Tiangco’s directive is to disregard these national government issuances, resulting in undue hardship to duly registered DTI sellers through his refusal to recognize sellers registered after July 15, 2020, and the announcement that only sellers registered before the said date will be allowed to conduct selling activities in Navotas. This act or omission is a violation of the law,” pagpupunto pa ni BAUTISTA.
ALASHING ATAO… ATAPANG ATAO!
Karaniwan, kapag lasing ang tao ay saka tumatapang tulad na lamang sa nangyari sa isang REPORTER ng POLICE FILES TONITE na si BETH SAMSON na habang sakay sila ng kanilang Toyota Innova ay binangga sila ng Mitsubishi Adventure na imbes huminge ng paumanhin ay lalo pang nagbubunganga, nagbantang susunugin ang sasakyan at papatayin sina SAMSON nitong nagmamay-ari ng sasakyan na si VICENTE ANTONIO na noo’y lango sa alak.
Nagkasagutan ang mga ito na lalong nanggalaite ang 55-anyos na si ANTONIO na residente ng SARANAY HOMES SUBD., BAGUMBONG, CALOOCAN CITY..,, pinagtatadyakan ang sasakyan ng pamilya SAMSON. Dumating ang TRAFFIC ENFORCER pero pagdating sa prisinto ay wala na si ANTONIO na kung hinde pa nagpaasiste ang REPORTER kay NPD DIRECTOR, GENERAL ELISEO CRUZ ay hinde na lulutang pa ang lasing na si ANTONIO. Sinundo ito ng mga pulis at dinala sa presinto na kung anong tapang noong una ay mistulang naging maamong tupa ito sa paghinge ng dispensa.., pero siyempre, dahil natruma mga apo ni BETH SAMSON ay itinuloy nito ang pagsasampa ng kaso.
Kailangan mabigyan ng leksyon at maparusahan etong si ANTONIO dahil ang sasakyan nitong MITSUBISHI ADVENTURE ZFS-976 ay nadagil pala nito ang isang nagmokotorsiklo na tatakasan dapat noong gabi ng January 16 sa BAGUMBONG DULO ROAD, pero nadagil naman ang sasakyan nina BETH na minamaneho ng kaniyang anak na si PHILIP KARL SISON!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.