Advertisers

Advertisers

Cloe at Marco sasabog na sa ‘Silab’; Sean huhusgahan na sa ‘ANMD’

0 1,793

Advertisers

Ni BENNY ANDAYA
GIGILING na ang kamera ngayong Biyernes, January 22, 2021 para sa isang bagong pelikula na tiyak pag-uusapan, ang Silab na ididirek ni Joel Lamangan at pagbibidahan ng bagong Sex Goddess na si Cloe Barretto.
Flawless, maganda, fresh at palaban si Cloe, alaga ni Ms. Len Carillo at member ng Belladonnas. Kasama ni Cloe ang baguhang si Marco Gomez na palaban din sa pagpapaseksi.
Sa aming panayam Kay Cloe ay sinabi nito na matindi raw ang sexy scenes nya sa movie. Matindi ang character niya sa pelikula. “Tiyak na marami ang magugulat sa role ko dito dahil kakaiba. Matitindi ang bawat eksena na ipapakita ko sa kanila.”
Si Marco naman ay handa na sa mga maiinit na eksena.
“Alam ko first time kong gagawin ang ganito ka-wild na pelikula. Pero dahil napakaganda ng story kaya napapayag ako na gawin lalo pa at si Direk Joel ang magiging direktor ko dito. Grabe ang hubaran pero sulit naman dahil napakaganda ng movie,” saad pa ni Marco.
Si Jason Abalos na kasama sa movie ay nakausap din namin nang personal. Natanong namin kung bakit tinanggap niya ang movie.
“Of course napakaganda ng movie. Unang basa ko pa Lang sa script ng movie napahanga na agad ako. Ang ganda ng kwento. Kakaiba at parang first time ko mapapanood ang ganitong pelikula. Basta kakaiba at kaabang-abang,” wika pa ni Jason.
Marami na tiyak ang mag-aabang sa movie na ito. Hindi lang ito basta sexy film kundi quality film under 316 Media Production.
***
SAMANTALA, showing na rin sa January 30 ang pelikulang Anak ng Macho Dancer na pinagbibidahan ng ating paboritong si Sean de Guzman.
As in grabe raw talaga ang hubaran sa movie. Warak kung warak ang mga eksena. Todo sa orgy at lovescene. Pinakamatindi yata sa lahat ng mga pelikulang ipalalabas ngayon ang ANMD dahil sa walwal ang mga eksena at parang hindi maubus-ubos ang hubaran mula umpisa hanggang katapusan ng movie.
Si Sean na baguhan ay hindi inurungan ang matitinding hubaran. Kaya tiyak na sulit ang mga manonood. Hindi bitin at bongga ang bawat eksena. So reserve na kayo ng tiket para ‘di kayo maubusan sa www.ktx.com.