Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
HINDI napigilan ni Gerald Anderson na mag-react sa sweet post ni Diego Loyzaga sa kanyang nobyang si Barbie Imperial.
Ang lakas kasing makakilig ng endearing message ni Diego sa girlfriend na “I promise to keep that smile on your face.”
Komento ni Gerald:”Sa th3rd floor mo ata natutunan mga ganyan galawan bro ah,” sey ni Gerald.
“Haha congrats bro,” dugtong niya.
May netizens na nag-like sa komento ni Ge sa post ni Diego, pero marami rin ang tumuligsa rito.
Say ng iba, tila gustong palabasin ni Gerald na aral daw si Diego sa kanya pagdating sa tinik at pagpapakilig sa girls.
Ang th3rd floor na tinutukoy ni Gerald ay ang gym na pagmamay-ari niya na naging paboritong tambayan noon ng local celebrities.
Sey naman ng iba, naiinggit daw si Ge kay Diego dahil lantad na happy ito sa kanyang relasyon.
May mga nagsasabing tantanan niya si Diego dahil wala itong record bilang chickboy o babaero kumpara sa kanya at sa ama nitong si Cesar Montano.
***
Jimuel, banta kina Seth at Kyle
Bagong addition sa Gold Squad si Jimuel Pacquiao, ang simpatikong anak nina Manny at Jinkee Pacquiao.
Sa pagpasok niya sa Gold Squad, inaasahang magiging banta siya sa kasikatan nina Seth Fedelin at Kyle Echarri.
Sa new batch ng nasabing grupo, kasama niya sina Renshi de Guzman, KD Estrada, Jimuel Pacquiao, Nio Tria, Raven Rigor, at Lance Carr.
Join naman kina Francine Diaz at Andrea Brillantes ang bagong members na sina Alyanna Angeles, Sam Cruz, Anji Salvacion, Danica Ontengco, Margaux Montana at Angelica Lao.
Bago pumasok sa pag-aartista, nag-workshop si Jimuel sa Star Magic.
Tulad ng kanyang ama, hilig din ng binata ang boxing.
Magaling din mag-saxophone si Jimuel.
Naging kontrobersyal noon si Jimuel pagkatapos ng hiwalayan nila ng Kapamilya actress na si Heaven Peralejo na napabalita noong humingi ng tulong pinansyal sa Pambansang Kamao.
Kalaunan, naabswelto si Heaven nang ipagtanggol siya nina Jimuel at Jinky at pabulaanan ang nasabing balita.