Advertisers
UMAKYAT na sa 119,460 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 3,561 na mga bagong kaso virus infection nitong Huwebes.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula parin sa National Capital Region na umabot sa 2,041 new cases.
Sinundan ng Laguna na may 222 new cases, Cebu na may 221 new cases, Cavite na may 100 new cases, at Rizal na may 81 new cases.
May 569 namang naiulat na bagong gumaling sa covid-19.
Dahil dito aabot na ngayon sa 66,837 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa covid-19 sa bansa.
May 28 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa 28 na nasawi, 10 ay ngayong Agosto, 16 noong Hulyo, 1 noong Hunyo, at 1 noong Mayo.
Sa ngayon, umakyat na sa 2,150 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid-19.
May 81 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid-19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)