Advertisers

Advertisers

Bakit biglang nawala sa picture ang Sinovac?

0 244

Advertisers

NAPANSIN ko lang: Bakit biglang nawala sa eksena ng mga bibilhing Covid vaccines ng Philippine government ang SINOPHARM gayung ito raw ang itinurok sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) noong Disyembre?

Oo! Hindi ba inanunsyo noon ni Pangulong Rody Duterte sa kanyang lingguhang “public addess” na ang kanyang mga bantay, PSG, ay nabakunahan na. Naging kontrobersiyal ito. Dahil ang ipinambakuna sa kanila ay smuggled, mula raw United Arab of Emirates (UAE) at ‘di pa rehistrado ng ating Food and Drug Authority (FDA). Ang mga nagbakuna sa mga PSG ay sila-sila lang, sabi ng PSG Chief.

Kung nabukanahan na nga ng Sinopharm ang mga PSG at wala naman tayong nakikitang side effects sa mga ito, bakit hindi nalang ang Sinopharm ang bilhin ng gobyerno sa halip na Sinovac na sinasabing mas mahal at mababa pa ang efficacy rate?



Sa panayam ni Deo Macalma sa kanyang programa sa DZRH-TV sa isang kinatawan ng Sinopharm sa Pilipinas, sinabi ng huli na siya man ay nagtataka kung bakit Sinovac na at hindi Sinopharm ang inaangkat o inangkat ng ating gobyerno gayung ang Sinopharm daw ay gina-gamit na ito ngayon sa UAE at mas mura sa ibang vaccines.

Ang Sinopharm ay produkto ng gobyerno ng China, habang ang Sinovac ay gawa ng pribadong kumpanya sa China. Hmmm… Now we know!!!

Kung sa gobyerno ng China ang Sinopharm, malabo rito ang kickback. Binibitay sa communist country ang korap!

Ang kickback ay nasa pribadong kumpanya. Gets nyo, mga pare’t mare?

At mabuti nalang ay nagkaroon ng Senate inquiry tungkol sa presyo ng Sinovac, ang dating napaulat na higit P3,600 ay naging P600 nalang! Maraming salamat sa opposition senators, Ping Lacson at Frank Drilon.



Ang malaking problema nalang dito ay kung may magpapaturok ba ng Sinovac, maliban nalang kung unang magpabakuna ang mga Gabinete lalo si Pangulong Duterte in public.

Kaso, sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, sa huli na raw magpapabakuna silang mga opisyal. Mauuna raw ang mahihirap. Eh sino kayang mahihirap ang matapang na mauuna? Magpapaturok kaya ang mga DDS?

At kung magpabakuna raw si Pangulong Duterte, sabi ni Roque, ay hindi gagawin in public. Pero noong una ay inanunsyo ni Pangulo na una siyang magpapabakuna sa harap ng publiko. Anyare? Bakit biglang natakot? Hehehe…

Sa Indonesia, unang nagpaturok in pubic ng Sinovac si President Widodo. Kaya ang kanyang mamamayan ay nagpaturok narin lahat.

Anyway, si Vice President Leni Robredo ay kumasa sa hamon. Magpapaturok siya ng bakuna sa harap ng publiko pagdating ng vaccine sa katapusan ng buwan. Hindi lang sinabi nito kung anong vaccine ang ituturok sa kanya, Sinovac ba, Pfizer o AstraZeneca. Surely ‘di made in China.

Abangan!

***

Sa Maynila, handang handa na si Yorme Kois magpabakuna pagdating ng inangkat nilang AstraZeneca at Pfizer sa sunod na buwan, Pebrero.

Sigurado, after magpaturok ni Yorme, kilometro ang magiging pila sa Maynila. Dahil kahit ‘di taga-Maynila, sabi ni Yorme, ay puede magpaturok.

Yahoo!!!