Advertisers

Advertisers

Lalaki, kulong sa 4 kilong saging na saba

0 250

Advertisers

Swak sa piitan ang isang lalaki nang magnakaw ng apat na kilo ng saging na saba na paninda ng kaniyang kapitbahay sa Brgy. Apolonio, Quezon City, nitong Huwebes ng umaga.
Kinilala ang suspek na si Manny Magsalin.
Sa report ni PSSg Jefferson Li Sadang ng Quezon City Police District (QCPD) La Loma Police Station 1, 11:30 ng umaga (January 21), nang maganap ang insidente sa harapan ng No. 41 Antonette Street, Parkway Village, Brgy. Apolonio Samson, QC.
Sa reklamo ng biktimang si Everlito Bumatay, abala umano siya sa pag-istima sa ibang mamimili nang maispatan niya ang suspek na pasimpleng isinilid sa dalang kahon ang apat na kilong saba na nagkakahalaga ng P340.00 at mabilis na tumakas.
Matapos na mabawi sa suspek ang apat na kilong saba na ninakaw, ikunlong na ito sa La Loma Police Station at inihahanda na ang kasong theft na isasampa laban kay Magsalin. (Ernie Dela Cruz)