Advertisers

Advertisers

NBA: Clippers pinatalsik ang Kings

0 378

Advertisers

KUMAMADA si Kawhi Leonard ng 32 points,six steals at five assists upang ilista ng Los Angeles Clippers ang kanilang ikalimang sunod-sunod na tagumpay,115-96 decision laban sa makulit na Sacramento Kings kahapon sa Staples Center.
Nag-ambag si Paul George ng 19 point, 12 assists at seven rebounds,habang si Nicolas Batum at Ivica Zubac bumakas ng tig-11 puntos para sa Clippers, humatak rin si Zubac ng game-high 12 rebounds.
De’Aaron Fox umiskor ng 25 points on 10-of-18 shooting at nagdagdag ng seven assists para sa ika-apat na kabiguan ng Kings, Glenn Robinson lll may 14 points,Buddy Hield 13 at Tyrese Haliburton umayoda ng 11.habang si Marvin Bagley 10 points at eight rebounds.
Clippers guard Lou Williams, na bumalik matapos lumiban ng two games dahil sa hip injury, nagtapos ng six points sa loob ng 15 minuto.